RSS

new do.


[pitur1. AKO. XD wag mangealam. blog ko to.]

yes naman clarisse! gagong gupit. hahahaha.

anu ang nag-udyok sakin para gupitan ang aking long, curly hair na pang-prom princess ang dating? (walang kokontra. sasamain ang kumontra!)


EWAN. hahahaha.

pero seryoso, kailangan ko ng matinding pagbabago. at anu pa nga ba ang isa sa mga paraan para simulan ito kundi ang pagbabagong itsura. idagdag mo pa ang hair-do ng aking bespren na si jen. oo, nagpagupit sya dahil nainggit sya sa kanyang ate. at oo, isa sa mga dahilan ko ay dahil nainggit ako sa kanya. pakealam mo ba?! 

gusto ko na talaga magpagupit. reporma. haha. hindi porma ang ibig kong sabihin. reporma as in reformat (wala lang.). may superstitious belief kasi kami ng aking mga pinakamamahal na kabarkada. para pakawalan ang super bad vibes, kailangan ng haircut. hindi naman sa may super bad vibes na umaatake sakin diba? medyo bad vibes lang ng mga nakaraang linggo. hindi acads ang aking tinutukoy ha (linilinaw ko lang). medyo usaping personal. wag ng alamin at baka may makabasa. mayari pa ko. belat!

kaya haaayun. kahapon, pumunta na ako sa aming suking parlorista at nagpatabas. medyo nag-iinarte pa nga ako nung biyernes at sabado kay jen. nag-papapilit. hahaha. nakakita ako ng magazine sa parlor. si katie holmes ang cover. marie claire ata un o cosmo. sabi ko sa kay ate un ung gawin sa buhok ko. sinunod naman niya. kaya lang iba ung lumabas. hahaha. pero ayos lang. masaya pa din naman ako sa gupit ko. 

pagkauwi ko, sabi sakin ng kapatid kong si caresse, bitch! bitch! bitch! nakakainis ka! ako din, mama! hahaha. nainggit. pangarap kasi naming magpagupit ng maikli. pero sa kadahilanang likas kaming kulot, hindi namin magawa. pasalamat na nga lang kami at hindi kami ulikba, kung nagkataon.... tawa na lang ako.

ang ending, nagpagupit din siya. at maganda ung kanya ha impeyrnes. nakuha ung effect nung kay katie holmes sa cover ng marie claire ata.. o cosmo. mejo old hollywood glam ung dating. kulang na lang pumada pwede na sya sa chicago (ung movie nila catherine zeta-jones, renee zellweger, richard gere, etc. ). SERYOSO. ganun kaganda kapatid ko. *vomits*

[pitur2. pacute. pota.]

hindi naman ako nagandahan sa sarili ko. hindi talaga. photobooth agad.XD diretso facebook ang bago kong buhok. LMAO. pag bigyan na.. frustration kong magkaron ng maikling buhok katulad ng kay la greta.XD

pero.. hindi pa din naman ganun kaikli eh. nag-iinarte lang. pagbigyan.



sakto din nga pala ung mga horoscope ko pati tarot card reading kaya nagpagupit ako. puro tungkol sa change. rinding rindi na nga ako sa change na yan eh. hindi naman sa sinusunod ko ung horoscope diba? minsan lang. HAHAHAHA. 

.... at tumapat ung minsan kahapon. XD

comfort the conscience.

NB medyo matagal na tong entry na to. hindi ko pala na-post. sorry naman. sooo eto na.

***************************************************

pagkatapos kong iblog ung nangyari kahapon, nag-pm agad ung mga friends ko na kasalukuyang online sa ym.

salamat sa pagcomfort. ilalagay ko dapat ung mga words of wisdom nyo kaya lang mahaba eh. TINATAMAD NA ME. lmao.

shoutout para kina jen, tins, dannix at kris.
salamat guys:))


naabutan akong umiiyak ng kapatid ko kagabi.

Caresse: o! bakit ka umiiyak?
Ako: ung taong grasa sa kanto, patay na.
Caresse: o! eh bakit mo iniiyakan un? Lolo mo ba un?
impeyernes, may point sya ha.
Ako: gago! nakita ko sya kaninang umaga naghihingalo. hindi ko tinulungan.
Caresse: ganun talaga ate... LIFE'S A BITCH.
Ako: wow, thank you ha. very comforting words.

makalipas ang ilang minuto 
Caresse: siguro hindi ka talaga nakokonsensya..
Ako: HA?
Caresse: siguro... NATATAKOT KA?! NO?! NO?!
AKO: HA?!
Caresse: hindi ka nakokonsensya! NATATAKOT KA. kasi ikaw ung isa sa mga huling taong nakakita sa kanya..
Ako: gago ka ah!
Caresse: natatakot ka no?
Ako: tae ka! wag mo kong takutin!

ang gago lang ng kapatid kong siraulo.

********************************

nakapag-blog na ko.

naiyak ko na.

....at nakakain na ko ng ice cream.

SOLB. *insert evil laugh here*

conscience.

nakokonsensya talaga ko. grabe sobrang bigat ng pakiramdam.

kaninang umaga pumunta ko sa school para gumawa ng schedule. natapos ako before mag-9am. 
i went straight home after that. 

sa kanto na pinagbababaan ko, meron laging dalawang matandang street dwellers na naka-istambay. ung isa sobrang tanda na. ung isa naman mas bata sa kanya ng onti. pero parehas sila mukhang ka-edad ang lolo ko. 

pagkababa ko ng bus kanina (mga 9:30 siguro un), nadaan ko ung mas matandang lalaki. GRABE. hindi ko ma-explain ung itsura niya. pero alam ko naghihingalo na siya. naka-upo siya sa semento tapus nakasandal sa labas nung bidyeoke-han dun sa may kanto. hindi ko makalimutan ung itsura niya kasi ilang beses ko siyang tinignan. hindi ko alam kung bakit, pero meron siyang dugo sa mukha niya at idagdag mo pa ung mga grasa na naipon sa balat niya. 

alam kong naghihingalo na siya eh. iba talaga ung itsura niya. hindi ko makalimutan. tapus ung pagkakaupo pa niya.... 

ilang beses tinitigan un matanda. alam ko kung ano ung kondisyon niya. 



....pero patuloy pa din akong naglakad pauwi.

gusto ko talaga siyang balikan eh. habang naglalakad un lang talaga ung iniisip ko. babalikan ko ba ung matanda o hindi.. babalik ba ko.. shet. 

hindi ako bumalik. pagkadating ko sa may street namin, nakita ko ung lola ko kakwentuhan ang isa pang senior. sabi ko agad mommy, ung taong grasa sa kanto naghihingalo na. 

wala din naman kaming nagawa. buong araw kong inisip ung kondisyon nung matanda kanina. 


sinamahan ko si mama kanina sa sm  para mag-grocery. pagkauwi namin ang pangbungad ng lola ko, cheenee ung taong grasa sa kanto patay na daw. may dumaan na mobile tapus tapus tumawag ng ambulansya. 

anung oras siya nakita mommy?

hapon na daw.

shit. isang buong araw siyang nandun. wala man lang pumansin. walang nagmalasakit. 

nakakinis. naiinis ako sa sarili ko. hindi ko naman sinisisi ung sarili ko sa nangyari dun sa matanda. namatay siguro un dahil sa sobrang gutom tsaka init. kung nilingon ko ung matanda kaninang umaga wala din naman akong assurance na mabubuhay pa sya. kung mabubuhay man siya, ganun pa din magiging situwasyon niya. sa kalsada. taong grasa. hindi ko mababago un. 

pero sana mas naging concern ako. sana pinakita ko ung concern ko. sana nanghingi ako ng tulong. AKO LANG KASI UNG NAKAKITA DUN SA MATANDA! KAYA AKO NAKOKONSENSYA NG GANITO. 

siguro may mga dumaan na sa harapan niya ilang oras matapos ko syang makita.. PERO HINDI NILA NAKITA UNG PAGHIHINGALO NUNG MATANDA. arrrrgh!

wala akong nagawa. nakokonsensya ko.




...iniisip ko lang nasan ung isang lalaki..

 ung isang matandang kaibigan nya, ung lagi niyang kasama,


...iniwan siya. 

hormones.

kaya pala nung mga nakaraang araw inaatake ako ng hormones ko. sobrang inis na inis ako kay jen. hindi ko alam kung anung nangyayari sakin. kala ko nababaliw na ko.

...ngayon alam ko na kung bakit. 

blame it all on my hormones. haha. 


PERIOD.


bubonic plague.

bakit ba ang bobo mo?

hindi ka ba marunong makaintindi o makaramdam man lang? siguro hindi ka bobo.. manhid ka lang talaga.

hindi ba obvious na binura na kita sa facebook, friendster, ym at phone memory ko?

ang tanga mo naman pre. 

kailangan mo pa ba talagang itanong pa sakin kung dinelete kita sa facebook at friendster accounts ko? hindi ba obvious un dahil hindi mo nakita ang pangalan ko sa listahan mo? malamang diba, ang sagot oo. 

eto ung tanong sakin ni boy sa ym: 

bakit wala ka sa friends list ko sa facebook?
 at ito pa. 
o pati sa friendster wala ka din


hindi pa siya nakuntento. tinext pa niya ko. dinelete mo ba ko?

 
ang ending, in-add niya ako sa facebook at friendster. LOL. ang tanga lang


...ayoko na kasi talaga sa'yo. hindi mo ba maintindihan un? tangina. babaero ka na,  manyak mo pa. ayokong dumagdag sa listahan ng mga chicks mo. i am not one of your stupid chicks, dickhead! masyado nang madami mga naloko mo. at hindi ako tanga para gumaya sa kanila. makakahanap ka din ng katapat mo. good luck na lang sa'yo. 


isang linggo din akong tinamaan ng kabobohan dahil sa aking kakirian. but i'm over and done with that.


nota bene: 
J, the bitch you knew and loved is back. :) see you friday xD








boredom.

isang buong araw akong walang pasok. pero hindi pa bakasyon. may final exam pa ko bukas sa logic tsaka defense ng prototype sa electronics lab. tapos sa thursday, last day na! final exam na lang sa circuits. at wala pa kog naaaral. wala. as in, zero, nil, nix, zilch, nada! tinatamad na kong mag-aral kasi nga magbabakasyon na. idagdag mo pa ung fact na nakapag-compute na kami ng grades at negative na ang score kong kailangang makuha sa finals sa parehong subject. hindi naman sa pagmamayabang no, pinaghirapan ko din naman un.

kaya ang nangyari, isang buong araw kong inisip kung anung gagawin ko. sooooobrang nakakabagot talaga 'tong araw na 'to. GRABE LANG. 

nagising ako ng 6am kaninang umaga, kumaen, nag-facebook. pagkatapos, dalawang beses akong nakatulog . DALAWA! nagising ako 11am na. tapos tinext ko si jen at momon. nagreklamo lang ako kasi soooobrang bored na talaga ko. wala na kong maisip gawin. 

soooobrang walang kwenta 'tong araw na'to...

...ay meron pala syang kwenta. 



hindi ko alam anung sumapi sakin at gumawa ako ng blog. LOL.


...yessss naman. BLOGGER na ko.