kaninang umaga pumunta ko sa school para gumawa ng schedule. natapos ako before mag-9am.
i went straight home after that.
sa kanto na pinagbababaan ko, meron laging dalawang matandang street dwellers na naka-istambay. ung isa sobrang tanda na. ung isa naman mas bata sa kanya ng onti. pero parehas sila mukhang ka-edad ang lolo ko.
pagkababa ko ng bus kanina (mga 9:30 siguro un), nadaan ko ung mas matandang lalaki. GRABE. hindi ko ma-explain ung itsura niya. pero alam ko naghihingalo na siya. naka-upo siya sa semento tapus nakasandal sa labas nung bidyeoke-han dun sa may kanto. hindi ko makalimutan ung itsura niya kasi ilang beses ko siyang tinignan. hindi ko alam kung bakit, pero meron siyang dugo sa mukha niya at idagdag mo pa ung mga grasa na naipon sa balat niya.
alam kong naghihingalo na siya eh. iba talaga ung itsura niya. hindi ko makalimutan. tapus ung pagkakaupo pa niya....
ilang beses tinitigan un matanda. alam ko kung ano ung kondisyon niya.
....pero patuloy pa din akong naglakad pauwi.
gusto ko talaga siyang balikan eh. habang naglalakad un lang talaga ung iniisip ko. babalikan ko ba ung matanda o hindi.. babalik ba ko.. shet.
hindi ako bumalik. pagkadating ko sa may street namin, nakita ko ung lola ko kakwentuhan ang isa pang senior. sabi ko agad mommy, ung taong grasa sa kanto naghihingalo na.
wala din naman kaming nagawa. buong araw kong inisip ung kondisyon nung matanda kanina.
sinamahan ko si mama kanina sa sm para mag-grocery. pagkauwi namin ang pangbungad ng lola ko, cheenee ung taong grasa sa kanto patay na daw. may dumaan na mobile tapus tapus tumawag ng ambulansya.
anung oras siya nakita mommy?
hapon na daw.
shit. isang buong araw siyang nandun. wala man lang pumansin. walang nagmalasakit.
nakakinis. naiinis ako sa sarili ko. hindi ko naman sinisisi ung sarili ko sa nangyari dun sa matanda. namatay siguro un dahil sa sobrang gutom tsaka init. kung nilingon ko ung matanda kaninang umaga wala din naman akong assurance na mabubuhay pa sya. kung mabubuhay man siya, ganun pa din magiging situwasyon niya. sa kalsada. taong grasa. hindi ko mababago un.
pero sana mas naging concern ako. sana pinakita ko ung concern ko. sana nanghingi ako ng tulong. AKO LANG KASI UNG NAKAKITA DUN SA MATANDA! KAYA AKO NAKOKONSENSYA NG GANITO.
siguro may mga dumaan na sa harapan niya ilang oras matapos ko syang makita.. PERO HINDI NILA NAKITA UNG PAGHIHINGALO NUNG MATANDA. arrrrgh!
wala akong nagawa. nakokonsensya ko.
...iniisip ko lang nasan ung isang lalaki..
ung isang matandang kaibigan nya, ung lagi niyang kasama,
...iniwan siya.