RSS

attitude problem.


may mga bagay na kung gaano kabilis dumating, kung gaano kabilis naramdaman, nakakalungkot mang isipin, ganoon din kabilis mawawala. mukhang mas mabilis pa.

...or maybe it's just me. ugali ko lang talaga siguro.

speaking of ugali.. here's a rundown of my attitude problem. ENJOY! 
  • mahirap akong kausap. 
  • hindi ako magaling gumawa ng desisyon. 
  • madali akong mkaramdam ng pagkabagot. 
  • ayoko sa tanga. 
  • naiinis ako sa mga taong hindi knowledgeable sa current events (showbiz/politics/music/movies), thus, walang mapag-usapan, walang makwento. 
  • galit ako sa hiphop. 
  • mabilis akong masanay sa routine/habit.. pero madali din akong maka-move on at ibahin ang routine. 
  • gusto ko ng spontaneity, ayoko ng paulit-ulit. 
  • pikon na pikon ako sa mga taong matanong (nanay ko lang may karapatan magtanong sakin ng paulit-ulit.) 
  • hindi ako magaling mag-explain. kaya huwag ng ipilit. minsan iba lang ung nasasabi ko sa gusto kong sabihin. kaya wag na lang talaga.
  • BACKSTABBER AKO. 
  • hindi ako magaling makipag-plastikan. pag hindi kita feel, distansya amigo.
  • magaling ako mang-iwan sa ere. 
  • hindi ako sinungaling. sasabihin ko ang totoo kahit pa masaktan ka. idadagdag ko lang, hindi ako laitera, nagsasabi lang ng katotohanan.
  • pikon na pikon ako sa mga taong mahilig MANAPAW. 
  • approachable ako, pero hindi ako friendly.
marami pa yan! nakalimutan ko lang ung iba.