RSS

attraction.

I'm afraid I cannot lie.
He didn't even try and I was blown away.
I can't help my attraction, 
It's a chemical reaction and
It's here to stay.
-hello goodbye, jonathan clay


hindi ko alam kung anung meron sa'yo at sa tuwing nakikita kita napapatitig ako.
hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwasan na hindi ka tignan.
hinahatak mo ko.
hindi mo lang alam.

paulit-ulit kong sinasabi sa best friend ko ang linyang 'to, "we fit like a perfect pair of shoes. we really do."
nayayamot na ata sakin si jen sa kakaulit ko. 
pero sa totoo lang, sa tingin ko tama ako.

hindi kita maihahanay sa kategorya ko ng gwapo. 
pero mabango ka. presentable. may maipagmamalaki. 
at higit sa lahat, 
maipagmamalaki ko. 

kung sinu-sino na ung mga nakilala ko, 
pero hindi ko alam kung bakit ikaw ung iniintay ko.
kahit mas gwapo pa sa'yo ung iba kong nakilala, mas sa lahat ng bagay, 
hindi maihahambing ang hatak mo sakin.
PANALO ka pa rin.
pambihira. 

ikaw talaga ung akma para sa'kin eh.
you are my complement. my perfect pair of flats. 
the cheese to my macaroni. 

sabi nga ni juno macguff kay paulie bleeker, I think I'm in love with you... No... I mean for real. 'Cause you're, like, the coolest person I've ever met, and you don't even have to try, you know... 

...at oo, ikaw ang paulie bleeker ko. minus the head band and the golden short shorts.
for real. shet. corny na kung corny.  

pero hindi pa naman ako dun sa punto na "i'm in love with you".
...hindi pa. 


kung mababasa mo lang sana 'to. 
kung malalaman mo lang na ikaw 'to...

...pero alam mo, sakto na sa'kin na magkaibigan lang tayo. 
if you're friends and then you become more than that, and the relationship doesn't end well for at least one of you, you can't go back to how things were. 
you know, before the i love you.

...at tsaka, kausap lang naman ang hanap ko. at nag-uusap naman tayo. 
kaya okay na un.

if it's gonna happen, it will.
but if it's not meant to be... 
well, i'm glad were friends.
and i get to talk to you.
and we connect.


yvan turns 9.


happy birthday little brother!

grabe. ang laki mo na. baka after 2 years mas matangkad ka na sakin. anak ng wooot. pero okay lang. medyo naiinip na kami ni chinky sa pag-intay ng pagdating mo sa teenage years mo. medyo gusto na naming pagtawanan ang mga babaeng hahabol sa'yo. pero.. naisip ko okay lang pala na matagalan pa pagtanda mo. kasi kasabay nun ang pagtanda ko. tae lang. sampung taon agwat natin diba? isipin mo, pag 15 mo, 25 na ko. anak ng. hindi muna ko mag-aasawa para mapanood ko kasama ni chinky ang teenage years mo. mukhang masaya un. 

sana lang wag kang tumulad sa mga bata na noong growing years nila ay mukhang magiging heartthrob tapus pagtungtong ng puberty nagmukhang pandesal. pero mukha namang hindi ka gagaya sa kanila. mukhang iba ang daan na iyong tatahakin. hindi ako natatakot na baka magmukha kang tigyawat na tinubuan ng mga facial organs. hindi kasi tayo ganun, kaya chill ka lang. hindi ka tutubuan ng acne wag kang mag-alala. medyo paliitin mo lang ng onti ang tiyan mo, and you're good to go. darating ka din jan. chillax ka lang bro.

at tsaka nga pala, makinig ka sa mga sinasabi namin ni chinky. kami ang boss. kami ang tama. lalo na pagdating sa mga damit. okay naman cabinet mo eh. medyo baduy ka lang mag-mix and match. pero, matututo ka din. pikon na pikon na nga sa'yo si chinky hindi mo ba alam? lol. tawang-tawa ko sa kanya pag nagagalit siya at sinasabing hindi ako lalabas ng bahay ng kasama ka at ganyan suot mo. magpalit ka nga! ambaduy mo. hindi kita kilala! 

pero may potential ka talagang maging cool. kailangan na lang ng onting push. cool ang mga pinapakinggan mong musika. ayos din ang mga pinapanood mong palabas. mahilig ka manood ng mga pelikula. ayos na ayos din ang mga idolo mong superhero. at higit sa lahat, sinasakyan mo trip namin ni chinky. at sumusunod ka sa mga utos namin. that's why we love you little brother.

mabait ka naman talaga. mama's little boy ka din nga pala no? ayaw pa aminin ni mama, halatang-halata naman. papa's boy ka din. LMAO. pati si mommy ikaw ang paborito. IKAW NA! IKAW NA TALAGA! lahat ata sa angkan natin ikaw ang paborito dahil sa mukha mong ubod ng gwapo.

hindi naman ako bitter. medyo proud lang. at sana lumaki kang hindi lang gwapo kundi may pakisama sa iba at cool. haha! 

....aaaat! mag-aral ka ng mahusay. mawawalan ng saysay ang coolness mo sige ka! bakit hindi mo kami tularan ni chinky? medyo tamad ka eh no? sige, intayin mo lang ang shining moment mo pag dating sa acad. darating din yan. chillax ka muna sa ngayon. 

happy birthday BAN!
love you XD

xx, ate cheenee

random junk.

i have to like start reading stuff. school stuff. review and remember everything by heart. 
i have this problem with my brain. 
short-term memory. 

i'm going to read those junk now. i need those if i want to start with my track next term. i really want to pass all my courses. 
are you a retard or something? WHO THE HELL DOESN'T?!
i'm gonna study for friday's mortifying smashing recitation in communications. 
...and i will pass COMM1!


just finished watching idol. 

loved adam's performance, as usual. what else is new. if adam's was rubbish, i'll go and kill my neighbor's dog. lawl.

kris rocked my world! his arrangement was amazing! after that performance, he proved that he has a chance in winning this. i mean that. the boy obviously deserves to be at least in the top 3. he's not getting the proper credit. kudos to kris! but still, adam burned 'em all. 

do i have to mention d gowkey? an expected danny performance. same old same old. but it was good. just thought kris' was better. 

goodbye lil rounds. it's a toss out between anoop and matt. it better be anoop because i like matt. i still like to see him next week. XD


that's about it. 
im going to study.
life is still good for me. hope all's well for everyone else. :)
good vibes. good vibes. 
later amigas.


love love,
C


first day.

first day was  a-okay. nakita ko lahat ng mga friends and most of the guys from our block, A3.
tumambay kasama ng mga friends sa library. 
napansin ko lang, kung hindi kina jen at kat (na kasama ko all of the time), o kaya si zy, puro mga ka-block ko na boys ung kadikit ko like kris (yes naman tol! we're like this tight, *crossing fingers*) and gerard. weird lang kasi from an all-girls barkada to a lot of boy pals. kala ko hindi ako makakapag-adjust agad eh. you know, 4 years of isolation (all-girls hs under strict nuns). wala lang, parang one of the boys lang ung feeling. ROFL. ain't that funny? 

nalaman ko din kung sino sa mga A3 ang kaklase ko sa buong term para sa mga lecture classes ko. 
here's the run-through:
strength of materials: zy, ivan.
industrial electronics: ivan.
digital signal processing: kris, ivan, jem, gerard, adrio.
communications 1: kris, marianne, egie, ivan, ian.

hindi ko na sinama si kat dahil blockmates kami ever. understood na yun.
napansin niyo ba na napaka-consistent ng pangalan ni ivan? turned out blockmates kami tuwing mwf. unfortunate events do happen. joke lang. ayos naman yan si ivan eh. haha! 

and speaking of unfortunate event, grabe lang. nakaharap ko na si engr. sese
shet na comm 1. 
shet. shet. shet. 
si engr. sese ay isang bangungot. 
paki-tampal na ko para magising.
GISINGIN NIYO NA KO PLEASE!
SANA MARESHUFFLE.. SANA. SANA. SANA.
ASA KA KID.


may the force be with us. parang sa star wars. shet.
kailangan ng mataimtiman na dasalanan nito. 
at matinding sunugan ng kilay. seryosong pag-aaral muna, tama na ang paglalandi. walang oras para sumegway.
MAG-ARAL KA CLARISSE.


inintay ako ng bespren ko na si zy. sabay kami umuwi kasi... gusto namin. haha. nag-sm kami saglit. at dumayo pa talaga kami sa centerpoint. para lang medyo matagal ung kwentuhan.
namiss ko din ung mokong na un ah. hindi kami nagtext nung bakasyon kasi... wala lang. 


half-day lang ako bukas at hapon pa ang klase ko. i wonder kung anung nag-aabang sakin bukas. 
sana wag umulan.


shout out para kina KRIS pasensya na talaga tol, hindi ko alam. kaya yan. haha. God speed pre! JEP looove the souvenir:)) thanks mucho! everything's gonna be fine. CHILL!  RAECH shet. my interactive blog, i love you heaps forever and ever. SHIER i miss you dear. are you hiding from me? LOL. PARU wala lang, we're rocking the short hair. haha. i love you<3. MOMON estupido. wth. thanks for bearing with my mood swings, best friends kahit hindi halata. J i miss you soul sister. shet dami nangyayari napansin mo ba. still the little girl beeatch, carefree and careless :))
 

peace & love, 
C

one more day.

soooo, last day na bukas ng isang buwang bakasyon.

woooooooot.

gusto ko pa mag-movie marathon hindi ko pa napapanod ung mga dapat panoorin.
one-week extension! 
LOL. asa naman. 
oh well papel. i think i made the most out of it.

saturday movie night! 
i'm off to watch definitely maybe, pineapple express, and superbad with super love michael cera. LMAO. 

blog about michael cera tomorrow.
pangatlo na siya. told you.. chronic boredom guys!
later.

peace, love & good movies, 
C


goofball.

ang pagtawa at pagiging masayahin ang isa sa maipagmamalaki nating mga pinoy, isa sa pwede nating ipagmayabang. kahit na kung anu-anong krisis, epidemya at kung anu-ano pang problema at kahirapan ang harapin ng bansa, hindi pa din nating nakaklimutang tumawa at magpatawa. 


sa tingin ko, kahit papaano may naging improvement naman ang comedy dito sa pinas. mula kina dolphy, panchito at palito, hanggang kina tito, vic at joey, at ngayon sina pokwang, willy, pooh at chokoleit. ang mga jokes nagkakaron na ng substantiya kahit minsan may sumusundot pa din ng mga manny pacquiao, erap at gma jokes. 

ang antas ng pag-unawa ng mga pinoy sa mga jokes nag-lelevel up na din. hindi na benta ang slapstick ngayon. sa tingin ko kasi kaya hindi na ganun kabenta un kasi hindi applicable ang tipo ng ganung komedya sa totoong buhay. hindi ka naman pwedeng mag-slapstick diba? subukan mo lang ganunin ang kaaway mo, tignan ko lang kung san mauuwi un. hindi nakakatawa ang slapstick comedy. masakit un. kaya nga elibs ako sa mga stand-up comedian, mga komedyante at komedyana. galing nila eh. hindi na uso slapstick ngayon pero buhay na buhay pa din ang komedya. 

mga jokes ngayon berde na. at ang mga komedyante pagalingan na lang sa paggamit ng salita ngayon. salita na ginagamit pambara, pang-okray at pampakiliti ng ating mga imahinasyon. ano daw? 


**************************

napansin ko lang mas attractive ung mga goofball kesa sa mga mukhang biyaya ng langit. kasi naisip ko, aanhin mo naman ung mga lalaking mala-adonis ang dating kung hindi ka naman mapapatawa. hindi ka naman mapapangiti habang buhay ng magandang mukha diba? kasi malamang lamang, tutubuan din yan ng kung anu-ano at unti-unting maaagnas. oo, naagnas ang kagandahan. kaya, BEWARE. ung mga taong may sense of humor, matatalino. hindi biro magpatawa ha. ung mga goofball kasi ung tipo din na may sense kausap. hindi nauubusan ng kwento at higit sa lahat, masaya kasama. good conversationalist din ang mga loko na yan.

ang tatay ko magaling magsalita. kaya nga na-inlab nanay ko sa kanya eh. sobrang panalo magpatawa un. hindi nauubusan. siguro tama nga na ang mga tatay natin ang basihan ng ideal guy. gusto ko ng good conversationalist, malupit ang sense of humor at magaling makisama sa mga tao dahil un ung nakikita ko sa tatay ko.

tama.. dapat good conversationalist at may malupit na sense of humor.

SOLB.


st. jude? sana mabasa mo 'to.. 
st. claire? para sa'yo din ung huli kong statement..
SERYOSO AKO!
 


shit the beef.





did you know that shia labeouf actually means shit the beef? what a name huh? fourth year ako nung nalaman ko ito, care of sammy. nakakatawa lang. 

want some more info? you might want to check this out. click click.


gusto ko na si shia labeouf simula pa lang ng mapanood ko ung unang episode ng even stevens sa disney channel thousands of nights ago. seryoso mukha siyang tanga dun. pero ewan ko ba, ang cute lang. he was this curly-haired goofball (mukha din siyang egghead actually). who would have guessed that, that kid will grow up to be sam witwicky? ha! HOT. 

i really find shia labeouf oooh sooo sizzling hot! ewan ko ba kung may defect lang talaga ako sa mata or whatever, pero i prefer him over some blonde blue-eyed hollywood star. iba ung dating niya eh. as they say, exotic. shia's look is better than some adonis. LOL. i don't know why, but he being flawed-looking is really attractive.
i've seen his movie disturbia for the first time a while ago. awesome movie. tamang thriller. syempre it showcased his hotness. i've seen almost all his other flicks (pati ung support role lang). excited na ko sa transformers 2. kung inaabangan ng mga boys ang dyosa na si megan fox.. inaabangan ko ang goofball na si shia labeouf. haha!   


okay... 

DROOOOOL!


grabe. if i could just grab him off of my tv screen or my laptop i would do so.  

hot, period.





i don't know what's effin wrong with me. i'm blogging about celebs. i know, chronic boredom! yup, that's it. blame it all on that.