ang pagtawa at pagiging masayahin ang isa sa maipagmamalaki nating mga pinoy, isa sa pwede nating ipagmayabang. kahit na kung anu-anong krisis, epidemya at kung anu-ano pang problema at kahirapan ang harapin ng bansa, hindi pa din nating nakaklimutang tumawa at magpatawa.
sa tingin ko, kahit papaano may naging improvement naman ang comedy dito sa pinas. mula kina dolphy, panchito at palito, hanggang kina tito, vic at joey, at ngayon sina pokwang, willy, pooh at chokoleit. ang mga jokes nagkakaron na ng substantiya kahit minsan may sumusundot pa din ng mga manny pacquiao, erap at gma jokes.
ang antas ng pag-unawa ng mga pinoy sa mga jokes nag-lelevel up na din. hindi na benta ang slapstick ngayon. sa tingin ko kasi kaya hindi na ganun kabenta un kasi hindi applicable ang tipo ng ganung komedya sa totoong buhay. hindi ka naman pwedeng mag-slapstick diba? subukan mo lang ganunin ang kaaway mo, tignan ko lang kung san mauuwi un. hindi nakakatawa ang slapstick comedy. masakit un. kaya nga elibs ako sa mga stand-up comedian, mga komedyante at komedyana. galing nila eh. hindi na uso slapstick ngayon pero buhay na buhay pa din ang komedya.
mga jokes ngayon berde na. at ang mga komedyante pagalingan na lang sa paggamit ng salita ngayon. salita na ginagamit pambara, pang-okray at pampakiliti ng ating mga imahinasyon. ano daw?
**************************
napansin ko lang mas attractive ung mga goofball kesa sa mga mukhang biyaya ng langit. kasi naisip ko, aanhin mo naman ung mga lalaking mala-adonis ang dating kung hindi ka naman mapapatawa. hindi ka naman mapapangiti habang buhay ng magandang mukha diba? kasi malamang lamang, tutubuan din yan ng kung anu-ano at unti-unting maaagnas. oo, naagnas ang kagandahan. kaya, BEWARE. ung mga taong may sense of humor, matatalino. hindi biro magpatawa ha. ung mga goofball kasi ung tipo din na may sense kausap. hindi nauubusan ng kwento at higit sa lahat, masaya kasama. good conversationalist din ang mga loko na yan.
ang tatay ko magaling magsalita. kaya nga na-inlab nanay ko sa kanya eh. sobrang panalo magpatawa un. hindi nauubusan. siguro tama nga na ang mga tatay natin ang basihan ng ideal guy. gusto ko ng good conversationalist, malupit ang sense of humor at magaling makisama sa mga tao dahil un ung nakikita ko sa tatay ko.
tama.. dapat good conversationalist at may malupit na sense of humor.
SOLB.
st. jude? sana mabasa mo 'to..
st. claire? para sa'yo din ung huli kong statement..
SERYOSO AKO!