RSS

attraction.

I'm afraid I cannot lie.
He didn't even try and I was blown away.
I can't help my attraction, 
It's a chemical reaction and
It's here to stay.
-hello goodbye, jonathan clay


hindi ko alam kung anung meron sa'yo at sa tuwing nakikita kita napapatitig ako.
hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwasan na hindi ka tignan.
hinahatak mo ko.
hindi mo lang alam.

paulit-ulit kong sinasabi sa best friend ko ang linyang 'to, "we fit like a perfect pair of shoes. we really do."
nayayamot na ata sakin si jen sa kakaulit ko. 
pero sa totoo lang, sa tingin ko tama ako.

hindi kita maihahanay sa kategorya ko ng gwapo. 
pero mabango ka. presentable. may maipagmamalaki. 
at higit sa lahat, 
maipagmamalaki ko. 

kung sinu-sino na ung mga nakilala ko, 
pero hindi ko alam kung bakit ikaw ung iniintay ko.
kahit mas gwapo pa sa'yo ung iba kong nakilala, mas sa lahat ng bagay, 
hindi maihahambing ang hatak mo sakin.
PANALO ka pa rin.
pambihira. 

ikaw talaga ung akma para sa'kin eh.
you are my complement. my perfect pair of flats. 
the cheese to my macaroni. 

sabi nga ni juno macguff kay paulie bleeker, I think I'm in love with you... No... I mean for real. 'Cause you're, like, the coolest person I've ever met, and you don't even have to try, you know... 

...at oo, ikaw ang paulie bleeker ko. minus the head band and the golden short shorts.
for real. shet. corny na kung corny.  

pero hindi pa naman ako dun sa punto na "i'm in love with you".
...hindi pa. 


kung mababasa mo lang sana 'to. 
kung malalaman mo lang na ikaw 'to...

...pero alam mo, sakto na sa'kin na magkaibigan lang tayo. 
if you're friends and then you become more than that, and the relationship doesn't end well for at least one of you, you can't go back to how things were. 
you know, before the i love you.

...at tsaka, kausap lang naman ang hanap ko. at nag-uusap naman tayo. 
kaya okay na un.

if it's gonna happen, it will.
but if it's not meant to be... 
well, i'm glad were friends.
and i get to talk to you.
and we connect.


yvan turns 9.


happy birthday little brother!

grabe. ang laki mo na. baka after 2 years mas matangkad ka na sakin. anak ng wooot. pero okay lang. medyo naiinip na kami ni chinky sa pag-intay ng pagdating mo sa teenage years mo. medyo gusto na naming pagtawanan ang mga babaeng hahabol sa'yo. pero.. naisip ko okay lang pala na matagalan pa pagtanda mo. kasi kasabay nun ang pagtanda ko. tae lang. sampung taon agwat natin diba? isipin mo, pag 15 mo, 25 na ko. anak ng. hindi muna ko mag-aasawa para mapanood ko kasama ni chinky ang teenage years mo. mukhang masaya un. 

sana lang wag kang tumulad sa mga bata na noong growing years nila ay mukhang magiging heartthrob tapus pagtungtong ng puberty nagmukhang pandesal. pero mukha namang hindi ka gagaya sa kanila. mukhang iba ang daan na iyong tatahakin. hindi ako natatakot na baka magmukha kang tigyawat na tinubuan ng mga facial organs. hindi kasi tayo ganun, kaya chill ka lang. hindi ka tutubuan ng acne wag kang mag-alala. medyo paliitin mo lang ng onti ang tiyan mo, and you're good to go. darating ka din jan. chillax ka lang bro.

at tsaka nga pala, makinig ka sa mga sinasabi namin ni chinky. kami ang boss. kami ang tama. lalo na pagdating sa mga damit. okay naman cabinet mo eh. medyo baduy ka lang mag-mix and match. pero, matututo ka din. pikon na pikon na nga sa'yo si chinky hindi mo ba alam? lol. tawang-tawa ko sa kanya pag nagagalit siya at sinasabing hindi ako lalabas ng bahay ng kasama ka at ganyan suot mo. magpalit ka nga! ambaduy mo. hindi kita kilala! 

pero may potential ka talagang maging cool. kailangan na lang ng onting push. cool ang mga pinapakinggan mong musika. ayos din ang mga pinapanood mong palabas. mahilig ka manood ng mga pelikula. ayos na ayos din ang mga idolo mong superhero. at higit sa lahat, sinasakyan mo trip namin ni chinky. at sumusunod ka sa mga utos namin. that's why we love you little brother.

mabait ka naman talaga. mama's little boy ka din nga pala no? ayaw pa aminin ni mama, halatang-halata naman. papa's boy ka din. LMAO. pati si mommy ikaw ang paborito. IKAW NA! IKAW NA TALAGA! lahat ata sa angkan natin ikaw ang paborito dahil sa mukha mong ubod ng gwapo.

hindi naman ako bitter. medyo proud lang. at sana lumaki kang hindi lang gwapo kundi may pakisama sa iba at cool. haha! 

....aaaat! mag-aral ka ng mahusay. mawawalan ng saysay ang coolness mo sige ka! bakit hindi mo kami tularan ni chinky? medyo tamad ka eh no? sige, intayin mo lang ang shining moment mo pag dating sa acad. darating din yan. chillax ka muna sa ngayon. 

happy birthday BAN!
love you XD

xx, ate cheenee

random junk.

i have to like start reading stuff. school stuff. review and remember everything by heart. 
i have this problem with my brain. 
short-term memory. 

i'm going to read those junk now. i need those if i want to start with my track next term. i really want to pass all my courses. 
are you a retard or something? WHO THE HELL DOESN'T?!
i'm gonna study for friday's mortifying smashing recitation in communications. 
...and i will pass COMM1!


just finished watching idol. 

loved adam's performance, as usual. what else is new. if adam's was rubbish, i'll go and kill my neighbor's dog. lawl.

kris rocked my world! his arrangement was amazing! after that performance, he proved that he has a chance in winning this. i mean that. the boy obviously deserves to be at least in the top 3. he's not getting the proper credit. kudos to kris! but still, adam burned 'em all. 

do i have to mention d gowkey? an expected danny performance. same old same old. but it was good. just thought kris' was better. 

goodbye lil rounds. it's a toss out between anoop and matt. it better be anoop because i like matt. i still like to see him next week. XD


that's about it. 
im going to study.
life is still good for me. hope all's well for everyone else. :)
good vibes. good vibes. 
later amigas.


love love,
C


first day.

first day was  a-okay. nakita ko lahat ng mga friends and most of the guys from our block, A3.
tumambay kasama ng mga friends sa library. 
napansin ko lang, kung hindi kina jen at kat (na kasama ko all of the time), o kaya si zy, puro mga ka-block ko na boys ung kadikit ko like kris (yes naman tol! we're like this tight, *crossing fingers*) and gerard. weird lang kasi from an all-girls barkada to a lot of boy pals. kala ko hindi ako makakapag-adjust agad eh. you know, 4 years of isolation (all-girls hs under strict nuns). wala lang, parang one of the boys lang ung feeling. ROFL. ain't that funny? 

nalaman ko din kung sino sa mga A3 ang kaklase ko sa buong term para sa mga lecture classes ko. 
here's the run-through:
strength of materials: zy, ivan.
industrial electronics: ivan.
digital signal processing: kris, ivan, jem, gerard, adrio.
communications 1: kris, marianne, egie, ivan, ian.

hindi ko na sinama si kat dahil blockmates kami ever. understood na yun.
napansin niyo ba na napaka-consistent ng pangalan ni ivan? turned out blockmates kami tuwing mwf. unfortunate events do happen. joke lang. ayos naman yan si ivan eh. haha! 

and speaking of unfortunate event, grabe lang. nakaharap ko na si engr. sese
shet na comm 1. 
shet. shet. shet. 
si engr. sese ay isang bangungot. 
paki-tampal na ko para magising.
GISINGIN NIYO NA KO PLEASE!
SANA MARESHUFFLE.. SANA. SANA. SANA.
ASA KA KID.


may the force be with us. parang sa star wars. shet.
kailangan ng mataimtiman na dasalanan nito. 
at matinding sunugan ng kilay. seryosong pag-aaral muna, tama na ang paglalandi. walang oras para sumegway.
MAG-ARAL KA CLARISSE.


inintay ako ng bespren ko na si zy. sabay kami umuwi kasi... gusto namin. haha. nag-sm kami saglit. at dumayo pa talaga kami sa centerpoint. para lang medyo matagal ung kwentuhan.
namiss ko din ung mokong na un ah. hindi kami nagtext nung bakasyon kasi... wala lang. 


half-day lang ako bukas at hapon pa ang klase ko. i wonder kung anung nag-aabang sakin bukas. 
sana wag umulan.


shout out para kina KRIS pasensya na talaga tol, hindi ko alam. kaya yan. haha. God speed pre! JEP looove the souvenir:)) thanks mucho! everything's gonna be fine. CHILL!  RAECH shet. my interactive blog, i love you heaps forever and ever. SHIER i miss you dear. are you hiding from me? LOL. PARU wala lang, we're rocking the short hair. haha. i love you<3. MOMON estupido. wth. thanks for bearing with my mood swings, best friends kahit hindi halata. J i miss you soul sister. shet dami nangyayari napansin mo ba. still the little girl beeatch, carefree and careless :))
 

peace & love, 
C

one more day.

soooo, last day na bukas ng isang buwang bakasyon.

woooooooot.

gusto ko pa mag-movie marathon hindi ko pa napapanod ung mga dapat panoorin.
one-week extension! 
LOL. asa naman. 
oh well papel. i think i made the most out of it.

saturday movie night! 
i'm off to watch definitely maybe, pineapple express, and superbad with super love michael cera. LMAO. 

blog about michael cera tomorrow.
pangatlo na siya. told you.. chronic boredom guys!
later.

peace, love & good movies, 
C


goofball.

ang pagtawa at pagiging masayahin ang isa sa maipagmamalaki nating mga pinoy, isa sa pwede nating ipagmayabang. kahit na kung anu-anong krisis, epidemya at kung anu-ano pang problema at kahirapan ang harapin ng bansa, hindi pa din nating nakaklimutang tumawa at magpatawa. 


sa tingin ko, kahit papaano may naging improvement naman ang comedy dito sa pinas. mula kina dolphy, panchito at palito, hanggang kina tito, vic at joey, at ngayon sina pokwang, willy, pooh at chokoleit. ang mga jokes nagkakaron na ng substantiya kahit minsan may sumusundot pa din ng mga manny pacquiao, erap at gma jokes. 

ang antas ng pag-unawa ng mga pinoy sa mga jokes nag-lelevel up na din. hindi na benta ang slapstick ngayon. sa tingin ko kasi kaya hindi na ganun kabenta un kasi hindi applicable ang tipo ng ganung komedya sa totoong buhay. hindi ka naman pwedeng mag-slapstick diba? subukan mo lang ganunin ang kaaway mo, tignan ko lang kung san mauuwi un. hindi nakakatawa ang slapstick comedy. masakit un. kaya nga elibs ako sa mga stand-up comedian, mga komedyante at komedyana. galing nila eh. hindi na uso slapstick ngayon pero buhay na buhay pa din ang komedya. 

mga jokes ngayon berde na. at ang mga komedyante pagalingan na lang sa paggamit ng salita ngayon. salita na ginagamit pambara, pang-okray at pampakiliti ng ating mga imahinasyon. ano daw? 


**************************

napansin ko lang mas attractive ung mga goofball kesa sa mga mukhang biyaya ng langit. kasi naisip ko, aanhin mo naman ung mga lalaking mala-adonis ang dating kung hindi ka naman mapapatawa. hindi ka naman mapapangiti habang buhay ng magandang mukha diba? kasi malamang lamang, tutubuan din yan ng kung anu-ano at unti-unting maaagnas. oo, naagnas ang kagandahan. kaya, BEWARE. ung mga taong may sense of humor, matatalino. hindi biro magpatawa ha. ung mga goofball kasi ung tipo din na may sense kausap. hindi nauubusan ng kwento at higit sa lahat, masaya kasama. good conversationalist din ang mga loko na yan.

ang tatay ko magaling magsalita. kaya nga na-inlab nanay ko sa kanya eh. sobrang panalo magpatawa un. hindi nauubusan. siguro tama nga na ang mga tatay natin ang basihan ng ideal guy. gusto ko ng good conversationalist, malupit ang sense of humor at magaling makisama sa mga tao dahil un ung nakikita ko sa tatay ko.

tama.. dapat good conversationalist at may malupit na sense of humor.

SOLB.


st. jude? sana mabasa mo 'to.. 
st. claire? para sa'yo din ung huli kong statement..
SERYOSO AKO!
 


shit the beef.





did you know that shia labeouf actually means shit the beef? what a name huh? fourth year ako nung nalaman ko ito, care of sammy. nakakatawa lang. 

want some more info? you might want to check this out. click click.


gusto ko na si shia labeouf simula pa lang ng mapanood ko ung unang episode ng even stevens sa disney channel thousands of nights ago. seryoso mukha siyang tanga dun. pero ewan ko ba, ang cute lang. he was this curly-haired goofball (mukha din siyang egghead actually). who would have guessed that, that kid will grow up to be sam witwicky? ha! HOT. 

i really find shia labeouf oooh sooo sizzling hot! ewan ko ba kung may defect lang talaga ako sa mata or whatever, pero i prefer him over some blonde blue-eyed hollywood star. iba ung dating niya eh. as they say, exotic. shia's look is better than some adonis. LOL. i don't know why, but he being flawed-looking is really attractive.
i've seen his movie disturbia for the first time a while ago. awesome movie. tamang thriller. syempre it showcased his hotness. i've seen almost all his other flicks (pati ung support role lang). excited na ko sa transformers 2. kung inaabangan ng mga boys ang dyosa na si megan fox.. inaabangan ko ang goofball na si shia labeouf. haha!   


okay... 

DROOOOOL!


grabe. if i could just grab him off of my tv screen or my laptop i would do so.  

hot, period.





i don't know what's effin wrong with me. i'm blogging about celebs. i know, chronic boredom! yup, that's it. blame it all on that.  

adam sandler is love.



did i already mention that i'm an adam sandler fan? i googled him once and i came across his official website. (which you can visit by clicking on the title of this entry)

napag-alaman ko na 20 pa lang ung movies na siya ung lead role. hindi kasama dun sa site niya ung movies na may cameo apperance siya o ung secondary role lang siya. hindi ako nakuntento winikipedia ko pa siya. natuwa naman ako sa sarili ko kasi halos lahat na pala ng pelikula niya napanood ko na. akala ko kasi i missed a lot pa. un pala lima na lang kumpleto ko na. *insert evil laugh here*

anyhooo, dahil bored ako at sa tingin ko isang sign na ng chronic boredom ang pag-gugoogle sa mga artista minarapat ko na lang manood ng pelikula. i-youtube at i-ovguide na yan! eight crazy nights, billy madison, waterboy, bulletproof. isa na lang ang hindi ko pa napapanood, ung reign on me. drama daw eh. wala pa kong balak manood ng drama.

natuwa ako sa eight crazy nights at napikon sa waterboy. fuck-tard ung pelikula na un (take that literally). i suggest, the longest yard na lang panoorin niyo (if ever you haven't seen the two movies) since both flicks are about football. longest yard is a million yards better. pero okay lang since i'm wasting my time at ang goal ko naman talaga ay mapanood ang lahat ng pelikula ni adam. GOOOOO!

gagawa ako ng rundown ng mga pelikula ni adam minsan dahil nga fan ako at idol ko siya. sa tingin ko si adam ang pinaka-cool na geek. at siya rin ang pinaka-magaling na komedyante. walang kokontra, idol ko siya. spell genius. 

iba kasi ung comedy niya eh. basta ang galing lang. if you'll compare him to will ferrell, adam is sooo much better. BIAS. lol. mukha din kasing fuck-tard si will ferrell eh. hahaha. sorry peeps, my opinion. kahit na egghead si adam, or whatever, admit it! iba ung charisma niya. again, GENIUS. bentang-benta sakin si adam, kahit paulit ulit pa. 

kahit retarded siya, major loser, ex-football player, some hair stylist wannabe, or whatever, i'll watch him over and over again. ganun ko siya ka-gusto. ganun siya ka-galing.

minsan sa buhay ang kailangan lang natin ay isang adam sandler. 
seryoso! 

if i could find my egghead i would be the happiest. 
HA! beat that, pare! 


oh! and before i forget, he has a new flick funny people with seth rogen (who i also love.). the release date is scheduled on july 31.


let's watch! let's watch! who's coming with me?  


last two days.

sooo, kailangan talaga ng countdown?

dalawang araw na lang umpisa na naman ng kalbaryo ko. pagkatapos ng isang buwan na bakasyon pasukan na naman. hindi ako na-eexcite pumasok. asa naman. pero dahil wala na rin naman akong ginagawa dito sa bahay kundi mag-movie marathon, manood ng telebisyon at magpakasawa sa init.. okay na din ang pumasok at ma-stress. LOL. ang kagandahan lang sa eskwela, ercon! syempre gusto ko na din makita ang aking mga kaibigan. nakanang-tooters.

pero hindi pa man nag-uumpisa ang term na ito, gusto ko nang matapos. baket? ito kasi ung pinaka-mainit na term.

summer vacation = 4th term.


wow diba. napaka-conducive for learning ng environment sa panahon na ito. good luck naman sakin. 


badtrip na global burning yan.

badtrip na mapua yan. XD


nah! delete the last statement. haha! i love my school. <3


NB. nagiging paborito ko na ang shit song. LOL.

soundtrip.

chill muna.

binago ko na ung playlist ko. 
nasa ilalim na sya dahil hindi magkasya ung tape sa gilid. wag magulat kung biglang may tumunog.  

oo, puro kate nash yan. 
walang pakealamanan paborito ko sya ngaun eh. 
15 tracks yan. somewhere, somehow makaka-relate kayo. <3
listen to em all.


enjoy boys and girls :)


peace love and good music,

out and proud.

naghayskul ako sa isang eksklusibong paaralan para sa mga babae. talamak ang on relationship sa eskwelahan na katulad sa amin. sanay na ko sa relasyon na hindi pa masyadong tanggap ng lipunan. teka. uulitin ko ung statement na un. sanay na ko sa babae sa babae na relasyon. pero ung the other sex around hindi pa ko masyadong expose sa totoong buhay. pero hindi rin naman ako ignorante. may nabasa na akong libro tungkol sa boy love. at gusto ko lang linawin na hindi ako tutol sa ganitong klaseng pagmamahalan. 
at isa pa, hindi tungkol sa akin ang entry na ito. 
at panghuling hirit, straight po ako. LMAO.


kagabi may isinuwalat na sikreto ang isa sa mga malalapit kong kaibigan. isa daw ako sa mga trustees niya. EHEM. hindi na niya maatim ang kanyang pananahimik kaya sinabi na niya. nakakagulantang sa una. hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. sa mga kinwento niya. sa sikreto niya. spell dirty little secret. pero pagkatapos ng ilang minuto nahimasmasan din ako. pinakilala din niya sakin kagabi si partner... sa ym. 

hindi ko alam kung anu ung naramdaman ko. hindi naman ako kinilabutan. parang ang weird din naman kung sasabihin ko na kinilig ako. pero sa palagay ko ung huli ung nararapat kong sabihin. tuwang tuwa talaga ko para sayo my friend! nag-uumapaw na kaligayahan para sayo dahil alam kong masaya ka.

at isa pa nga pala, hindi mo kailangan mag-sorry. una sa lahat, hindi ko alam kung para saan ang paghingi mo ng paumanhin? nagsosorry ka dahil yan ang sexual orientation mo? friend, hindi mo kasalanan yan. eh sa ganyan eh. hahaha. tinamaan ka, tinamaan sya. boom. pangalawa, hindi kita hinuhusgahan at wala akong balak husgahan ka. gaya ng sabi ko, at paulit ulit na sasabihin sayo, dahil un ang nararamdaman ko, nag-uumapaw ang kaligayahan ko para sayo. 

na-ooverwhelm lang din ako siguro dahil pers taym kong maka-encounter ng boy love. LOL. pinakita din ni partner kagabi ung mga larawan ng dates nila. andami! may mga ka-sweetan din. hindi naman ganun kalandi ung mga larawan, pero ung mga description ng larawan, ung ang malandeeeee! LMAO. 

grabe lang. dasal kami ng dasal kung kani-kaninong santo para lang mapadala na ung amin, grabe lang. naunahan mo pa kami! malandeee ka dear. hahaha. but seriously, really happy for you. 

isa pa nga pala.. my friend, hindi mo pwedeng sabihin na walang nagbago at may nadagdag lang. oo may nadagdag pero meron din nagbago. and trust me when i say that i like the change. :) malabo ba? haha. basta un na un. 

bottomline, still friends... and much closer :) 

maundy thursday-good friday.

dahil hindi ako relihiyosa inubos ko ang dalawang araw na ito sa pagtunganga at pakikipagkwentuhan. may tinda din kasi sila ate sheryl (anak ni tita agring) ng halo-halo at fishball. masarap ung halo-halo nila. homemade ung mga lahok. sila mismo ung nagluluto tuwing umaga nung minatamis na kamote, saging, sago at kung anu-ano pa. pinakapanalo ung leche flan nila! da best talaga! sa totoo lang hindi talaga un leche flan eh. pero dahil leche flan ang nakasanayang ilagay sa ibabaw ng halo-halo, kaya un. condensed milk lang un na niluto hanggang mabuo at maglasang caramel/leche flan. walang itlog kaya hindi un leche flan. basta masarap talaga. halos limang oras daw ung niluluto sabi ni ate layla (anak din ni tita agring). saktong sakto pala ung di-kahoy nilang lutuan. kung limang oras un sa ordinaryong kalan napinapaandar ng gasul, nako. good luck naman. 


si lola pelang ang lola ko sa tuhod. sikat ung sugarol sa malabya (isa sa mga baryo sa binukawan, bataan). mahilig talaga magsugal ung matandang un. hindi mo siya pwedeng istorbohin pag nagsusugal sya, kundi kakaen ka ng mura. hahaha. 

anyhoo, mayroong playing cards kaming nakita ni caresse na nakakalat sa bahay ng mga braza. at dahil wala kaming magawa, naglaro kami. wala naman kaming ibang alam na laro kundi solitaire, tri-peak, unggoy-ungguyan at pare-pares. tinanong ko kay ate layla kung pano ung tong-its tsaka pusoy dos. ang sagot ni ate layla hindi ka apo ni lola pelang kung hindi ka marunong magtong-its. at dahil jan, tinuruan niya kami. titser din nga pala si ate lay. madali lang ang tong-its at pusoy. kami lang ni caresse ang naglaban sa tong-its. hustler na kasi mga tao dun eh, newbie pa lang kami. 


tinapos ni santino ang dalawang gabing yan. natutukan kong mabuti ang buhay ni santino dahil sa marathon na ipinalabas ng channel 2. parang wala na kong na-miss na episode ni santino. grabe pala ung palabas na un. parang bawat chapter nakakaiyak. tear-jerker talaga. medyo nakakapikon lang si santino. pano ba naman, sobrang sumbungero kay bro. masyado pang-madaldal at ubod ng pakealamero. pero okay lang. pasalamat sya cute sya at mukhang inosente. at tsaka, okay din umarte si santino. very promising.

holy wednesday.

matagal na naming pinalano ang pagbalik sa bataan. dalawang taon na ang nakaraan magmula ng huli naming dalaw sa lugar. kaya ngaung bakasyon pinag-ipunan namin ang muling pagbisita sa mga kamag-anak ni mama. ang balak ni mama uuwi kami ng sabado. bale, tatlong araw lang talaga na bakasyon un. 

wednesday ung nakatakda naming pag-alis. isang araw bago un inihanda ko na ung mga gamit ko. hindi naman ako excited. hindi talaga. medyo naparami ata ung naimpake kong damit. dahil nauna akong mag-impake at medyo naparami nga ang aking damit (aaminin ko, medyo marami nga ung dala ko. parang pang-isang linggo na biyahe!) nasabihan tuloy ako ni caresse ng dun ka na ba titira? tinirhan mo pa ba ko ng damit?

so aun na nga, umalis kami ng mga 1:30pm dito sa manila. dumating kami dun ng mga 4pm ata. basta dalawa at kalahating oras lang ung biyahe. dun kami tumuloy sa bahay ng pinsan ni daddy (tatay ni mama), kila tita agring (tita tawag namin kasi ate ang nakasanayang tawag ni mama eh, para lang consistent.). nakakapanibago. spell probinsya. sa likod ng bahay nila tita agring meron silang maliit na bukid. haha. oo, bukid nga. merong mga manok tsaka baka tsaka maraming halaman. may taniman sila ng sili tapus andaming puno. marami ring puno ng mangga. pinaka nakaka-aliw dun ung lutuan nila. 

anu nga bang tawag dito?  basta kahoy ung ginagamit nila pangluto. ang panget lang kasi syempre mangingitim ung mga kaldero nila kasi nga ung yellow flame ung nakakapag-uling. kaya nga hindi masyado mauling ung sa kalan dito sa manila kasi blue flame ung lumalabas. wala lang. 

naabutan namin sila tita na nagluluto ng  suman. peyborit. nung huli naming punta dun un sobrang nagustuhan ko ung suman na gawa niya, dahil na din siguro sa latik na gawa din nya. basta ang sarap talaga. walang katumbas. haha. 


isa pang nakakatuwa dun sa pamilya na un, halos lahat ng anak nila andun sa bahay nila. matatanda na mga anak nila tita agring at tito milo. nag-rarange ung edad nila mula 22 hanggang 37. lima sa anim nilang anak andun sa bahay nila, pwera ke kuya wendell na kapitbahay nila. nakakatawa lang meron naka-engrave na braza family (apelyido nila) sa may pinto nila. literal na pamilya talaga ang nakatira dun. wala lang share ko lang. 

bongga ang hapunan namin nung miyerkules na un. hinandaan kami ni tita agring ng bulaklak ng himbabao. gulay un sa bataan. kakaiba ung itsura. pero masarap. pers taym kong makakain nun. sarap. 

malamig din pala sa bataan. andami kasing puno. un nga lang medyo maraming langaw at lamok kasi nga maraming prutas tsaka may mga hayop pa sa likod-bahay. pero okay lang ung mga langaw dun organic. halaman lang dinadapuan. ung mga lamok dun malalaki! ay nako, parang naka-zoom in pag dinapuan ka. kitang kita mo talaga. pero ewan ko ba, parang ilag mga lamok samin. hindi kami nakagat. siguro ayaw sa dugo ng taga-maynila. baka nadudumihan samin. owell papel. 

lunatic scientist part I




lunatic scientist ang yahoo messenger id ng kapatid ko. at oo, ang kwento na ito ay tungkol sa pakikipagsapalaran ni lunatic scientist. ipinakikilala ko sa inyo si chinx. XD



likas na tamad ang kapatid kong si chinx (o mas kilala bilang caresse). tatlong araw na ang nakakaraan ng labhan ni mama ung mga kobre kama namin. kung nasa tamang pag-iisip ka lalagyan mo na kinagabihan ng sapin ang iyong higaan bago matulog. at dahil normal akong tao, nilagyan ko ung akin. eh ano naman pakealam ko sa kama ng baliw kong kapatid, kaya ung akin lang talaga ang inayos ko. pagka-akyat nya sa kwarto namin ang sabi ba naman sakin "baket ung iyo lang nilagyan mo? hindi mo pa nilagyan ung akin". "kapal mo naman.", sagot ko.

dahil ayaw ni mama na natutulog kami ng walang sapin, pinatong na niya sa kama ni chinx ung kobre kama kahapon. 

kagabi umakyat si mama para tignan kung nalagyan na ng sapin ang kama ng baliw niyang anak. at bumungad sa kanya ang hubad na kama at mga unan.   ang tamad talaga ng kapatid ko. 

mama: ang tamad mo talaga! hindi ka ba nangangati? 
chinx: HINDI!
mama: ayan na nga o! ilalagay mo na lang!
chinx: mama, okay lang naman ako na walang sapin.
mama: ilagay mo yan! aasinan ko yang kiki mo!
hindi pa din gumalaw ang magiting kong kapatid. tigasin talaga yan eh.
mama: ay teka. ayaw mong maniwala ah.
bumaba si mama at makalipas ang ilang minuto. dinatnan sa kwarto si chinx na hindi pa din kumikilos. at oo, may dalang garapon si mama.... garapon ng rock salt. 
mama: hindi ka pa din gumagalaw? tinatantsa mo pa talaga kung kukuha ako ng asin ah!
chinx: ikaw kasi eh! nung nilabhan mo hindi mo pa nilagyan ng sapin.
mama: ay ang kapal ng mukha mo. 
chinx: lalagyan ko na.. bumaba ka na kasi mama.. umalis ka na dito..
mama: ay hindi! aasinan ko talaga yang kiki mo. ayusin mo yan. aakyat ulit ako. babalikan ko talaga yan. pag yan hindi ayos bubudburan ko yang kiki mo. bubudburan ko talaga yang kiki mo ng asin tignan lang natin. meron pa dung chili powder. tinadtad na sili. talagang aasinan kita. ilang araw na yang ganyan ah. ayusin mo yan!


at dahil ayaw niyang mabudburan ng asin, naglagay na sya ng sapin. panis!




... dahil likas sa akin ang pagiging tsismosa, mula ngayon magbabahagi na ko ng mga nangyayari kay lunatic scientist. isa sa pinaka-nakakaaliw na nga tao sa buhay ko ang aking mga kapatid. kung anu ano mga kabaliwang pinaggagawa. abangan ang susunod na kabanata ng pakikipagsapalaran ni lunatic scientist. XD

... isusulat ko din ang mga kalokohang pinaggagagawa ng kapatid kong si yuan. XD at papangalanan nating spiderpig ang kanyang kwento. abangan!

never explain.

second year high school ako nung nabasa ko ung isa sa mga quotable quotes na hindi ko makakalimutan. kausap ko pa nun si shierra sa telepono. wala lang.. gusto ko lang banggitin si shierra. 

"never explain. your friends don't need it, your enemies won't believe it."

yan na yata ung isa sa pinaka-sensible quote para sakin. at hanggang ngayon, dala dala ko yang katagang yan. never explain. 

una sa lahat, hindi ako magaling magpaliwanag. hindi ako marunong mangatwiran. kaya dahil jan, madalas hindi ko na lang sinusubukang magbigay linaw. pangalawa, ayoko din ung mga taong mahilig magpaliwanag, period.

ayoko talaga sa mga nagpapaliwanag. ako kasi talaga ung tipong walang pakealam. minsan pa nga namimis interpret ng mga tao ung pakikisimpatiya o pagdamay ko sa pagkakaroon ko ng malasakit o concern. magkaiba ang sympathy sa concern. nililinaw ko lang. kung magpapaliwanag ka sakin hangga't hindi ko hinihingi ung paliwanag mo, o hangga't hindi kita binibigyan ng permisong magbigay linaw, MAG-AAKSAYA KA LANG NG LAWAY. dahil nga wala akong pakealam, hindi ko din iintindihin ung mga sasabihin mo. sayang lang ung oras at laway mo. 

hindi rin ako matanong na tao. depende na lang kung interesado ako sa'yo o sa kwento mo. saka pa lang ako magtatanong o makikipagkwentuhan ng bonggang bongga. 
at oo.. namimili din ako ng kausap. likas akong madaldal at makwento, pero depende un sa taong kaharap ko. 

isa pa nga pa lang balahura kong katangian... magaling akong magpanggap. akala mo nakikinig ako pero ang totoo... HINDI. hahahaha. kapag wala talaga akong interes sa pinag-uusapan, magpapanggap na lang ako. buti nga nagpapanggap pa eh. :)) 
hindi ba j? tins? at S?XD

napunta na sa sarili ko ung entry na to. haha. 
...BAKET BA? BLOG KO TO. 

stories defy reason.

lahat ng bagay may rason kaya huwag agad gumawa ng konklusyon.

noong senior year ko nung hayskul nagkaroon kami ng retreat at recollection. isa sa mga nilecture sa amin ng aming facilitator na si Father Edwin ay ang paggawa ng mga tao ng kani-kanilang istorya para bigyang katwiran ang mga bagay na nangyayari sa kanila. hindi ako mahilig magpaliwanag kaya kayo na ang bahalang magbigay ng sarili niyong interpretasyon sa nabasa nyo.

pero dahil mahal ko kayo. ibabahagi ko sa inyo ung halimbawa ni Father Edwin samin. kunwari daw may magsyota. nakipagbreak si boy kay girl, at sinabi ang imortal na linyang "it's not you, it's me." syempre, iiyak ngayon si babae, mag-iisip. iisipin niya knug baket sila naghiwalay, kung anung nagawa niya, kung anung mali sa kanya. at jan na magsisimula ang kanyang istorya. kung mayroon mababang self-esteem si babae maiisip nya na kaya nakipaghiwalay si lalake ay dahil panget sya, o  kaya  mabaho ang hininga, baka may putok... at kung anu ano pa! pero hindi ba malinaw na sinabi ni boy ang linyang "it's not you, it's me"? nakipagbreak si boy kay girl dahil may ginawa si boy o may something kay boy. at hindi kasalanan ni girl. 

malabo pa ba? bahala ka jan. XD


ang punto ko lang, hangga't hindi niyo alam ang totoong rason kung baket nagawa ng isang tao ang isang bagay. huwag kayong gagawa ng konklusyon. huwag niyong husgahan ung tao. at mas lalo nang huwag kayong gumawa ng sarili niyong bersyon ng kwento. kasi madalas dahil sa sariling "istorya" jan nagsisimula ang samo't saring emosyon. galit, inis, hinanakit. ang pinakamalala, ang pagsisi mo sa sarili mo.. kahit hindi naman talaga ikaw ung mali o ung may kasalanan.

ang labo ko ba? hahahaha. 

isang magandang halimbawa ang pelikulang he's just not that into you. bigla kong naalala itong topic na 'to dahil dun eh. haun lang.