RSS

maundy thursday-good friday.

dahil hindi ako relihiyosa inubos ko ang dalawang araw na ito sa pagtunganga at pakikipagkwentuhan. may tinda din kasi sila ate sheryl (anak ni tita agring) ng halo-halo at fishball. masarap ung halo-halo nila. homemade ung mga lahok. sila mismo ung nagluluto tuwing umaga nung minatamis na kamote, saging, sago at kung anu-ano pa. pinakapanalo ung leche flan nila! da best talaga! sa totoo lang hindi talaga un leche flan eh. pero dahil leche flan ang nakasanayang ilagay sa ibabaw ng halo-halo, kaya un. condensed milk lang un na niluto hanggang mabuo at maglasang caramel/leche flan. walang itlog kaya hindi un leche flan. basta masarap talaga. halos limang oras daw ung niluluto sabi ni ate layla (anak din ni tita agring). saktong sakto pala ung di-kahoy nilang lutuan. kung limang oras un sa ordinaryong kalan napinapaandar ng gasul, nako. good luck naman. 


si lola pelang ang lola ko sa tuhod. sikat ung sugarol sa malabya (isa sa mga baryo sa binukawan, bataan). mahilig talaga magsugal ung matandang un. hindi mo siya pwedeng istorbohin pag nagsusugal sya, kundi kakaen ka ng mura. hahaha. 

anyhoo, mayroong playing cards kaming nakita ni caresse na nakakalat sa bahay ng mga braza. at dahil wala kaming magawa, naglaro kami. wala naman kaming ibang alam na laro kundi solitaire, tri-peak, unggoy-ungguyan at pare-pares. tinanong ko kay ate layla kung pano ung tong-its tsaka pusoy dos. ang sagot ni ate layla hindi ka apo ni lola pelang kung hindi ka marunong magtong-its. at dahil jan, tinuruan niya kami. titser din nga pala si ate lay. madali lang ang tong-its at pusoy. kami lang ni caresse ang naglaban sa tong-its. hustler na kasi mga tao dun eh, newbie pa lang kami. 


tinapos ni santino ang dalawang gabing yan. natutukan kong mabuti ang buhay ni santino dahil sa marathon na ipinalabas ng channel 2. parang wala na kong na-miss na episode ni santino. grabe pala ung palabas na un. parang bawat chapter nakakaiyak. tear-jerker talaga. medyo nakakapikon lang si santino. pano ba naman, sobrang sumbungero kay bro. masyado pang-madaldal at ubod ng pakealamero. pero okay lang. pasalamat sya cute sya at mukhang inosente. at tsaka, okay din umarte si santino. very promising.