RSS

never explain.

second year high school ako nung nabasa ko ung isa sa mga quotable quotes na hindi ko makakalimutan. kausap ko pa nun si shierra sa telepono. wala lang.. gusto ko lang banggitin si shierra. 

"never explain. your friends don't need it, your enemies won't believe it."

yan na yata ung isa sa pinaka-sensible quote para sakin. at hanggang ngayon, dala dala ko yang katagang yan. never explain. 

una sa lahat, hindi ako magaling magpaliwanag. hindi ako marunong mangatwiran. kaya dahil jan, madalas hindi ko na lang sinusubukang magbigay linaw. pangalawa, ayoko din ung mga taong mahilig magpaliwanag, period.

ayoko talaga sa mga nagpapaliwanag. ako kasi talaga ung tipong walang pakealam. minsan pa nga namimis interpret ng mga tao ung pakikisimpatiya o pagdamay ko sa pagkakaroon ko ng malasakit o concern. magkaiba ang sympathy sa concern. nililinaw ko lang. kung magpapaliwanag ka sakin hangga't hindi ko hinihingi ung paliwanag mo, o hangga't hindi kita binibigyan ng permisong magbigay linaw, MAG-AAKSAYA KA LANG NG LAWAY. dahil nga wala akong pakealam, hindi ko din iintindihin ung mga sasabihin mo. sayang lang ung oras at laway mo. 

hindi rin ako matanong na tao. depende na lang kung interesado ako sa'yo o sa kwento mo. saka pa lang ako magtatanong o makikipagkwentuhan ng bonggang bongga. 
at oo.. namimili din ako ng kausap. likas akong madaldal at makwento, pero depende un sa taong kaharap ko. 

isa pa nga pa lang balahura kong katangian... magaling akong magpanggap. akala mo nakikinig ako pero ang totoo... HINDI. hahahaha. kapag wala talaga akong interes sa pinag-uusapan, magpapanggap na lang ako. buti nga nagpapanggap pa eh. :)) 
hindi ba j? tins? at S?XD

napunta na sa sarili ko ung entry na to. haha. 
...BAKET BA? BLOG KO TO.