RSS

holy wednesday.

matagal na naming pinalano ang pagbalik sa bataan. dalawang taon na ang nakaraan magmula ng huli naming dalaw sa lugar. kaya ngaung bakasyon pinag-ipunan namin ang muling pagbisita sa mga kamag-anak ni mama. ang balak ni mama uuwi kami ng sabado. bale, tatlong araw lang talaga na bakasyon un. 

wednesday ung nakatakda naming pag-alis. isang araw bago un inihanda ko na ung mga gamit ko. hindi naman ako excited. hindi talaga. medyo naparami ata ung naimpake kong damit. dahil nauna akong mag-impake at medyo naparami nga ang aking damit (aaminin ko, medyo marami nga ung dala ko. parang pang-isang linggo na biyahe!) nasabihan tuloy ako ni caresse ng dun ka na ba titira? tinirhan mo pa ba ko ng damit?

so aun na nga, umalis kami ng mga 1:30pm dito sa manila. dumating kami dun ng mga 4pm ata. basta dalawa at kalahating oras lang ung biyahe. dun kami tumuloy sa bahay ng pinsan ni daddy (tatay ni mama), kila tita agring (tita tawag namin kasi ate ang nakasanayang tawag ni mama eh, para lang consistent.). nakakapanibago. spell probinsya. sa likod ng bahay nila tita agring meron silang maliit na bukid. haha. oo, bukid nga. merong mga manok tsaka baka tsaka maraming halaman. may taniman sila ng sili tapus andaming puno. marami ring puno ng mangga. pinaka nakaka-aliw dun ung lutuan nila. 

anu nga bang tawag dito?  basta kahoy ung ginagamit nila pangluto. ang panget lang kasi syempre mangingitim ung mga kaldero nila kasi nga ung yellow flame ung nakakapag-uling. kaya nga hindi masyado mauling ung sa kalan dito sa manila kasi blue flame ung lumalabas. wala lang. 

naabutan namin sila tita na nagluluto ng  suman. peyborit. nung huli naming punta dun un sobrang nagustuhan ko ung suman na gawa niya, dahil na din siguro sa latik na gawa din nya. basta ang sarap talaga. walang katumbas. haha. 


isa pang nakakatuwa dun sa pamilya na un, halos lahat ng anak nila andun sa bahay nila. matatanda na mga anak nila tita agring at tito milo. nag-rarange ung edad nila mula 22 hanggang 37. lima sa anim nilang anak andun sa bahay nila, pwera ke kuya wendell na kapitbahay nila. nakakatawa lang meron naka-engrave na braza family (apelyido nila) sa may pinto nila. literal na pamilya talaga ang nakatira dun. wala lang share ko lang. 

bongga ang hapunan namin nung miyerkules na un. hinandaan kami ni tita agring ng bulaklak ng himbabao. gulay un sa bataan. kakaiba ung itsura. pero masarap. pers taym kong makakain nun. sarap. 

malamig din pala sa bataan. andami kasing puno. un nga lang medyo maraming langaw at lamok kasi nga maraming prutas tsaka may mga hayop pa sa likod-bahay. pero okay lang ung mga langaw dun organic. halaman lang dinadapuan. ung mga lamok dun malalaki! ay nako, parang naka-zoom in pag dinapuan ka. kitang kita mo talaga. pero ewan ko ba, parang ilag mga lamok samin. hindi kami nakagat. siguro ayaw sa dugo ng taga-maynila. baka nadudumihan samin. owell papel.