lahat ng bagay may rason kaya huwag agad gumawa ng konklusyon.
noong senior year ko nung hayskul nagkaroon kami ng retreat at recollection. isa sa mga nilecture sa amin ng aming facilitator na si Father Edwin ay ang paggawa ng mga tao ng kani-kanilang istorya para bigyang katwiran ang mga bagay na nangyayari sa kanila. hindi ako mahilig magpaliwanag kaya kayo na ang bahalang magbigay ng sarili niyong interpretasyon sa nabasa nyo.
pero dahil mahal ko kayo. ibabahagi ko sa inyo ung halimbawa ni Father Edwin samin. kunwari daw may magsyota. nakipagbreak si boy kay girl, at sinabi ang imortal na linyang "it's not you, it's me." syempre, iiyak ngayon si babae, mag-iisip. iisipin niya knug baket sila naghiwalay, kung anung nagawa niya, kung anung mali sa kanya. at jan na magsisimula ang kanyang istorya. kung mayroon mababang self-esteem si babae maiisip nya na kaya nakipaghiwalay si lalake ay dahil panget sya, o kaya mabaho ang hininga, baka may putok... at kung anu ano pa! pero hindi ba malinaw na sinabi ni boy ang linyang "it's not you, it's me"? nakipagbreak si boy kay girl dahil may ginawa si boy o may something kay boy. at hindi kasalanan ni girl.
malabo pa ba? bahala ka jan. XD
ang punto ko lang, hangga't hindi niyo alam ang totoong rason kung baket nagawa ng isang tao ang isang bagay. huwag kayong gagawa ng konklusyon. huwag niyong husgahan ung tao. at mas lalo nang huwag kayong gumawa ng sarili niyong bersyon ng kwento. kasi madalas dahil sa sariling "istorya" jan nagsisimula ang samo't saring emosyon. galit, inis, hinanakit. ang pinakamalala, ang pagsisi mo sa sarili mo.. kahit hindi naman talaga ikaw ung mali o ung may kasalanan.
ang labo ko ba? hahahaha.
isang magandang halimbawa ang pelikulang he's just not that into you. bigla kong naalala itong topic na 'to dahil dun eh. haun lang.