kung ikaw ung iniintay ko, basahin mo 'to.
hindi ako high maintenance. hindi ako mahilig sa mamahaling damit, sapatos, bag, alahas. hindi ako brand conscious. hindi din ako nagmemake-up, depende kung may okasyon. ayoko kasi ng mga nilalagay na kolorete sa mukha. ako ung tipong ligo, bihis, hilamos, toothbrush, tapos. medyo hindi din kasi ako komportable sa cheek tint at lip gloss.
mapapakain mo din ako sa kahit na anong kainan. minsan nga lang nag-iinarte ako lalo na sa maduduming lugar. syempre takot din naman ako sa hepatitis. pero kumakain talaga ako ng mga pagkaing-kalye.
medyo napipikon din ako sa mga teddy bears. ayokong-ayokong nakakatanggap nun dahil kumakain lang sila ng alikabok sa bahay namin. sayang na sa espasyo, madumi pa. hindi ako natutuwa sa kanila.
imbis na mga stuffed toys ang ibigay mo sa'kin bigyan mo na lang ako ng libro o kaya flats. size 6 ako. hindi ako maarte sa itsura pagdating sa flats kahit ano papatusin ko. dahil mahilig akong magbasa siguradong matutuwa ako kung bibigyan mo ko ng libro.
hindi din ako natutuwa sa mga bouquet. nalalanta kasi ang mga bulaklak. sayang lang. ilang araw mo lang pagmamasdan ung halaman tapus wala na. unti-unting mamamatay at mawawalan ng ganda.
kaya huwag mo kong bibigyan ng halaman lalo na ung may bonggang bonggang pagkaka-ayos kung ayaw mong makakain ng pumpon ng bulaklak. hindi ko trip yan. masasayang ang effort mo dahil hindi din naman ikasasaya ng loob ko yan. sayang lang ung bulaklak. sayang lang ung pera mo.
pero kung hindi ka makatiis at gusto mo talaga kong bigyan ng halaman dahil isa kang tradisyonal na lalaki at dahil ang tradisyonal na lalaki ay nagbibigay ng bulaklak, sige. pagbibigyan kita. bigyan mo ko ng halaman. ung nasa paso. seryoso ako. gusto ko ung nasa magandang paso.
bakit ko sinasabi 'to?
para alam mo kung ano ung ikatutuwa ko.
para siguradong papahalagahan ko ung ibibigay mo.
para hindi masayang ung pagususumikap mo na mapasaya ko.
pero sa totoo lang. kahit naman walang regalo sakto lang sa'kin eh...
...ayoko nang sundan ung linya na un. medyo nasusuka na ko sa susunod kong sasabihin.
kung gusto mo talagang magregalo, huwag lang talaga ang mga sumusunod:
- bouquet of flowers
- stuffed toys
- keychain! (oh gawd! don't. never.)
- candles. (not this one too.)
yang mga bagay na yan talaga ung ayaw ko e. wala pa kong maisip na iba.
o pano? alam mo na?
ayusin mo buhay mo ha.
grabe lang.
sana mabasa mo 'to.
whoever you are.