RSS

peony.


mabalik ako sa paborito kong bulaklak. mayroon kasing naka-save na mga wallpaper dito sa laptop ko. merong kategorya doon na nature. doon ko nakadaupang-palad ang bulaklak na ito.

peony ang tawag sa kanya. napag-alaman ko na tumutubo lang siya sa ilang bahagi asya, europa at itaas na bahagi ng america. malalaki ang bulaklak ng halaman na ito. karaniwan din itong mabango. ito rin nga pala ang national emblem ng tsina. saklaw ng bulaklak na ito ang mga kulay mula pula hanggang puti hanggang dilaw. 

marami pang klase ng peony (o paeony). pinaka pumukaw ng atensyon ko ay ung Paeonia officinalis (European peony), eto ung pinakakaraniwang uri, at Paeonia lactiflora cultivar (Chinese peony). may mga uri rin ng chinese peony, gusto ko ung mons. jules elie at barrington bride.

gusto ko ung itsura niya kasi maraming petals. hindi pa ko nakakakita ng peony dito sa pilipinas. at pupusta ako na ngayon mo lang din siya narinig. medyo komplikado akong tao. kaya dapat komplikado din ang bulaklak na paborito ko. ano daw? 
okay din 'tong bulaklak na ito para sa he loves me, he loves me not. exciting. ikaw na mismo ang magsasawa at hihinto. andaming talutot niyang peony. magsawa ka!

gusto kong makakita ng peony. ung nakatanim ha. ung nasa lupa at nasa magandang paso.
ewan ko ba kung anong meron sa mga paso at natutuwa ako sa kanila. mahirap gumawa ng paso ha (ung yari sa clay). ibang klaseng craft ang pottery. at ibang klaseng talento ang isinasalin sa bawat paso na ginagawa. wala lang. kaya mas mabibigyang-halaga ko kung nakalagay sa paso. haha.

ayan ang gusto kong bulaklak. dahil mahirap hanapin ang peony, sumunod sa kanya ang lilium (o lily). 
huwag mong ipipilit sa akin ang rose, tulips, gerbera, anthurium at kung anu-ano pa. 
peony lang. o kaya lilium.
end of conversation.