kahit hindi man ako expressive, alam kong alam mo na mahal na mahal kita.
kahit inaaway kita.
at kahit pinapagalitan mo ko.
ma, i love you. :)
okay naman tayo eh, cool mom ka diba? sabi mo.. hehehe..
okay lang din sakin kahit hiniwalay mo na ung mga damit namin ni chinky, at kami na ang naglalaba ng sarili naming damit. taga-banlaw lang naman ako. si chinx nagsasabon. hehehe.
tsaka hindi ako matiis ni mommy, sinasamahan pa niya kong magbanlaw.
basta ma, wag ka nga pa lang masyadong makulit ha. medyo nagiging makulit ka na kasi paminsan eh. wag ganun.
tsaka ma, wag ka masyadong mag-eemote ha. ung tipong, tatay niyo lang ba mahal niyo? bakit siya lang pinagsisilbihan niyo? eh hindi naman kaya! huwag ka nga mag-self pity, ma! grabe lang yan.
at panghuling hirit.. wag ka masyado masungit paminsan!
hormones ba un mader? huwag kang mag-alala.. naiintindihan kita!
happy mother's day din sa pinakamamahal kong mommy. XD
lola's girl forever. laki sa lola! haha.
love you heaps, mommy!