RSS

past tense.


where do you go when you're lonely?
where do you go when you're blue?
where do you go when you're lonely? 
i'll follow you.
when the stars go blue.

walang konek ang kanta na yan sa entry na ito. lss lang talaga. 


nabasa ko ulit ung iilang entries ko sa blog ko sa myspace. tatlo lang pala ang nasulat ko dun. nakalimutan ko na i-update. nakakatuwa lang. it brought back memories. merong entry doon tungkol sa recollection nung 4th year high school. meron din dun tungkol sa isang kaibigan na hindi din nagtagal. 

medyo sayang ung tao na un. naging sobrang lapit namin sa isa't isa. sobrang komportable. ung iba binigyan ng kulay ang pagkakaibigan namin. pero sa pananaw ko, magkaibigan lang talaga kami. 

nagsimula ang lahat ng ma-busted siya ng best friend ko, 4th year kami nun. dahil magkasama kami sa choir at linggo-linggo kaming nagkikita, idagdag mo pa na batchmate namin ang ate niya, naging magkaibigan kami. naging malapit kami sa isa't isa. gabi-gabi ko siyang kausap sa telepono. pero wala talaga akong naramdaman dun sa batang un. hoy ha! isang taon lang agwat namin!

friends with benefits din kami nun. pero hindi kami kissing friends ha! ako lang ata may benefit sa kanya, actually. kasi binibigyan niya ko ng mga regalo (regularly!). at! kapag hindi ako nagtetext/nagrereply sa kanya o kaya kapag hindi ko sinasagot mga tawag niya, niloloadan pa niya ko. oha oha! tipong ganito linya niya, wala ka na bang load? bakit hindi ka nagrereply? ano ka ba! medyo pinag-aalala mo ko ah. medyo OA lang. ilang minuto pagkatapos nun, matatanggap ko na ung load ko. *insert evil laugh* medyo utu-uto ung batang un eh. lagi din akong nalilibre nun! 

ako? wala. wala akong kwenta. hindi ko alam bakit dikit ng dikit sakin un eh. wala naman siyang nahihita sakin. oh well.

hanggang isang araw, kinausap niya ko at sinabing may something na daw siyang nararamdaman. sabi ko, wag niyang pansinin, mawawala din un. hindi nawala. nagkamali ako. medyo marami pang kaguluhan ang nangyari pagkatapos nun. hindi ko alam kung niligawan niya ko kasi nga medyo malabo ung situwasyon kasi ang talagang nililigawan niya ung best friend ko. pero nung panahon na sinabihan na niya ko ng i love you, hindi na ata siya nanliligaw kay tonyang. ay ewan. malabo talaga ung kabanata na iyon. 

may mga nangyari pa. gumawa ako ng gulo at naghanap ng problema. basta, grounded ako ng isang buwan nun (bakasyon pa un! magkacollege na kami). kailangan pa kong puntahan nila tonyang sa bahay para makita ako at ayusin. medyo wasted talaga ko ng mga panahon na un. 

dumating na sa punto na kailangan mamili. actually, wala talgang option nun eh. iniwan ko siya sa ere, period. wala na talagang communication pagkatapos nun.

ilang taon na ang nakaraan. okay ako, mukha namang okay din siya. all's well for the both of us. un nga lang, hindi na kami friends. wala na.

sabi ko sa'yo eh. you can't go back to how things were, before the i love you. (refer to attraction entry). 
oh well. i learned my lesson. pero kung maglaro man ang tadhana at pagtagpuin kami ulit, who knows, maliit lang naman ang mundo at may pagka-joker ang taga-burda ng ating kapalaran, sakto lang sa'kin. 
pero hindi na siguro ko uulit na makipag-kaibigan sa kanya. hehehe. 


...nagbago na isip ko. please. wag na lang siguro kaming pagtagpuin ulit. haha.