dati nga, nabanggit sakin ni tonyang na paborito niya ang gerbera. sabi ko, aaah. anu un? sagot niya, bulaklak un bess! ano ka ba. ano namang malay ko sa gerbera diba? akala ko nga gerber. ung pagkain ng baby. nalaman ko na red daisy pala ang gerbera. sabi ko sa'yo eh. hindi talaga ako mahilig sa halaman.
wala akong green thumb. hindi ko pa nasusubukang bumuhay ng halaman. dati kapag may project kami sa science na magtatanim ng sibuyas, lola ko lagi ang gumagawa eh. wala talaga akong alam sa pagtatanim, period.
naalala ko, noong minsan kinailangan umalis ng lola ko para magbakasyon sa probinsya ng ilang araw iniwan niya sakin ung mga halaman niya para diligan. grabe lang. pag balik niya, lanta na sila. dinidiligan ko naman. kinakausap ko pa nga eh. tipong, plants, huwag kayong mamamatay. santan, pakitaan mo nga ako ng bulaklak mo. mamulaklak na kayo plants. mga wala talagang pakisama. pambihira.