RSS

soundtrip.

new songs! 

found time to change the old playlist. love the new songs.

fuck you by lily allen
heartless by kris allen
i poke her face by kanye west
say aha by santogold

will update blog soon. didn't have time last week. 

oh! and i changed the layout. dark much? haha. let's conserve energy, shall we?

black is green
agree? agree?

hope all is well for everyone. 
good vibes guys!

peace, love and good music, 
C


random junk.

"the beauty of a woman is not in the clothes she wears, the figure that she carries, or the way she combs her hair.


The beauty of a woman must be seen in her eyes, because that is the doorway to her heart - the place where love resides."

missing.

namimiss na kita. seryoso. 

medyo hindi ka na nagpaparamdam eh. asan ka ba? nakakatampo lang kasi ung ibang tao nakukuha pang magtext o mag-message kung saan para lang mangamusta. kahit one-liner lang. kahit tipong, i miss you bess. pero wala eh. pft. 

pero okay lang. mukhang busy ka. hindi naman ako bitter nyan eh no? 
hindi kasi dahilan ang pagiging busy eh. kung gusto may paraan. 
pero mukhang busy ka nga. oh well. 

baka naman malaman ko na lang nasa amerika ka na. hindi ko man lang malaman na naka-alis ka na. hay ewan ko sa'yo. 

bahala ka na nga.
pero hindi ko naman kasi pwedeng itapon ung limang taon diba? at wala akong balak. 
hay nako. sobrang mahal kita. tae ka. 

huwag kang mag-alala bess... 

best friends pa din. 


andito lang ako. try mo kong tawagan o kaya itext. 
alam mo pa naman ata number ko. 
aun lang.

SPARE ME!

OH GAWD. ang drama mo. pota. ang drama niyo.

ngayon lang ako napikon ng ganito sa isang tao. okay lang sana na ganyan ka eh. tinanggap naman kita diba? kaya lang kasi, ANG DRAMA MO! 

sinabi ko bang pagkatiwalaan mo ko? sinabi ko bang mapagkakatiwalaan mo ko? ikaw ang gumawa ng mga notions na yan sa utak mo. HINDI AKO. sinabi mo sa'kin ang sikreto mo. nanahimik ako. sinabi mong gusto mong malaman ng best friend ko ang tungkol sa'yo, ung tungkol sa inyo. lagi kaming magkasama, nabasa niya ung mga messages. kasalanan ko ba kung sinesendan niyo ko nun? alam niya naman ung tungkol sa inyo, diba? ikaw pa nga nagsabi na gusto mong malaman niya. anung problema mo?! 

ano naman kung malaman ng pinsan niya ung tungkol sa inyo? mamamatay ka ba kapag nalaman niya? ikamamatay mo ba kapag nagalit siya sa inyo? sa'yo? in the first place, alam na naman talaga nila to begin with, nag-iintay lang sila ng confirmation. 

alam mo, sa totoo lang napaka-self serving ng dahilan ng pagdadrama mo! hindi ka naman talaga natatakot na malaman ng parents ni boy from other people kung ano talaga siya eh. natatakot ka for the very reason na iwanan ka niya. first time mong mag-venture out sa ganyang klaseng relasyon. FINE. wala namang problema dun eh. pero takot na takot ka. natatakot kang kapag nagkagulo na iwanan ka niya. un ang dahilan sa pagdadrama mo ng bonggang bongga. siya kasi ung nagpatanggap sa'yo kung ano ka talaga. na isa kang paminta. ang self-serving. hindi para sa kanya ung dahilan mo kundi para sa'yo.  

SPARE ME! daig niyo pa ang telenovela. 
oh please! daig niyo pa si santino!

pinapainit niyo dugo ko!!!!

para kang babaeng nireregla. pero hindi ka babae. ang emotional mo! ang praning mo pa! nakaka-praning ba maging bakla? first time mong maging gay? FINE. pero naman, be discreet about it. hindi niyo kailangang ipagsigawan sa buong mundo na "mahal niyo ang isa't isa". sinesendan niyo ng pangkalahatang mensahe ang mga nakakaalam sa relasyon niyo. anu naman pakealam ko sa mga escapades niyo. alam ko na na kayo at nagmamahalan kayo. wala na kong pake kung gaano niyo kamahal ang isa't isa. OH GAWD. pwede ba? 


ayoko na. 
stop it C.
hush hush hush.
 

i am babbling.

minsan isang buwan, isinusumpa kong naging babae ako.

potek na hormones yan. 

estrogen fever!!! 

nireregla na naman ako ng todo todo.

pambihira.

happy mother's day mama! XD


kahit hindi man ako expressive, alam kong alam mo na mahal na mahal kita.
kahit inaaway kita.
at kahit pinapagalitan mo ko.

ma, i love you. :)

okay naman tayo eh, cool mom ka diba? sabi mo.. hehehe..
okay lang din sakin kahit hiniwalay mo na ung mga damit namin ni chinky, at kami na ang naglalaba ng sarili naming damit. taga-banlaw lang naman ako. si chinx nagsasabon. hehehe. 
tsaka hindi ako matiis ni mommy, sinasamahan pa niya kong magbanlaw. 

basta ma, wag ka nga pa lang masyadong makulit ha. medyo nagiging makulit ka na kasi paminsan eh. wag ganun. 
tsaka ma, wag ka masyadong mag-eemote ha. ung tipong, tatay niyo lang ba mahal niyo? bakit siya lang pinagsisilbihan niyo? eh hindi naman kaya! huwag ka nga mag-self pity, ma! grabe lang yan. 
at panghuling hirit.. wag ka masyado masungit paminsan! 
hormones ba un mader? huwag kang mag-alala.. naiintindihan kita! 



happy mother's day din sa pinakamamahal kong mommy. XD 
lola's girl forever. laki sa lola! haha. 
love you heaps, mommy!

jeny, the goddess! XD

oha! tuwang tuwa ka naman sa title ko! oo jepiner. para sa'yo 'to. 
laki ng ulo mo ah! at ang ngiti mo.. grabe lang. bawas-bawasan mo pwede? 

hindi ko alam kung pano tayo naging magkaibigan. para tayong north at south pole. exact opposite. mahirap pagtagpuin. pero dahil gusto ng taga-burda ng kapalaran. gooo lang!

ang alam ko, naging magkaklase lang tayo sa multivariable calculus. tinabihan kita. at medyo doon na nagsimula ang ating mga kwentuhan. naalala ko lagi kang late nun. alas dose ang klase natin. pawis kang papasok ng room. "kadiri naman 'tong babae na 'to.", yan ung lagi kong naiisip dati. pagkatapus nun, naging magkaklase naman tayo sa humanities. at doon na tayo naging close. magkasabay tayo umuwi. at itinatawid mo pa ko dahil nga hindi ako marunong. alam mo, marunong naman talago ko. takot lang talaga. haha.

pagkatapos ng maraming kwentuhan, nalaman natin na maraming bagay ang parehas tayo. ung tipo ng musika na pinapakinggan. mga pelikula. at kung anu-ano pa. medyo matagal din bago kita sabihan na friends na tayo. dahil for the longest time, acquaintances lang talaga tayo. nung sinasabi mo sa ME friends mo na best friend mo ko, natuwa ako. sa loblob ko, kapal naman nitong babaita na 'to. kakilala ko lang siya, best friend na niya ko? sabi mo pa sa sobrang hiya mo ng malaman ko na best friend mo pala ko, wag ka nga! sumakay ka na lang. tawang-tawa talaga ko! hindi mo lang alam!


soo, bakit tayo best friends JENY? 

ikaw talaga ung isa sa mga taong nagtyatayaga ng bonggang bongga sa'kin. ikaw ung iilan sa mga taong kilalang-kilala ako. facial reactions ko pa lang. tono pa lang ng boses ko naiintindihan mo na agad. you can keep up with my mood swings. ako lang ata ung taong hindi mo pwedeng awayin, kahit na sangkaterbang pang-aaway na ang ginagawa ko sa'yo. hindi pwede kasi mamalasin ka. tried and tested na ang teorya ko na yan. mabilis ang karma mo pagdating sa'kin. 

kaya nating mag-usap kahit walang kwenta ang pinag-uusapan. from serious to silly to bastos..TO SUPER BASTOS! everything and anything under the sun. at inaabot pa tayo ng madaling-araw. paulit-ulit lang din naman. ako ang isa sa mga bagay na hindi mawawala sa systema mo. or at least, ayaw mong tanggalin. ako lang ang pwedeng tumaranta sa'yo. dahil kahit ikaw ang boss. ako pa rin ang boss-er. haha! beat that, pare! 

tayo lang talaga ang nagkakaintindihan sa maraming bagay. madalas, no conversations needed. if you want to talk, talk. if you don't want to listen, don't. no reactions needed. galing natin dear! ikaw din ang nag-udyok sa'kin na huwag kumain ng karne. at ikaw din ang nagturo sa'kin magdrive! ha! hindi natin problema ang pagkain dahil nagkakaintindihan talaga tayo. hahaha. AT SA MGA KAPANGYARIHAN NATIN! dyosa? haha. 

huwag mo namang ibaba ang iyong sarili. may mga bagay ka din namang kayang gawin na hindi ko kaya. katulad na lang ng sports. hay nako. let's not get there my dear. hindi lang talaga ako sports-minded kagaya ninyo. un lang ata ung bagay na hindi talaga natin pwedeng gawin together, ever. sa musika lang talaga ako nahumaling at hindi sa sports. pagbigyan mo na ko. singer ako, atleta ka. solb. 

pero, pwede tayong mag-arcade, magkwentuhan, kumaen, magbidyoke at lahat lahat na. wag mo lang talaga akong yayayain sa extreme sports. kay jeprey na un. haha. sama nyo si zy. haha ulit.  

basta para sa maraming bagay, sooobrang salamat! marami na din akong utang sa'yo. wala akong pakealam. wag mo kong bilangan. ikaw ang wallet ko, period. minsan lang din tayo magdrama. kapag hinohormones lang tayo. lesser drama for the both of us. haha. 

i miss you j todo todo! kitakits sa 23. sisters' day out na naman ba ito? 
love you to pieces dear. 

love love, C

i am babbling.

hindi porket lagi tayong magkasama kilala mo na ko.
hindi porket matagal na tayong magkakilala kilala mo na ko.
hindi porket kaya ng bilangin ang taon na pinagsamahan natin kilala mo na ko.
hindi dahil matagal na tayong magkaibigan kilalang-kilala mo na talaga ko.

bilang lang sa daliri ang totoong nakakakilala sa'kin. ang nanay ko, si chinky, si jen, at si tonyang. hindi naman sa sinasabi ko na hindi talaga ung totoong ako ung kilala ng iba kong kaibigan lalo na sa mga hayskul barkada ko. ang gusto ko lang sabihin, ung mga tao lang na nabanggit ko ung mga tao na hindi ko kaya magkunwari. hindi ko kayang pagsinungalingan. 

kasi.. basang-basa nila ko. 

pero kilala din ako ng mga kabarkada ko nung hayskul, ANG MGA MALDITA( shierra, geeq, aira, dan, jaq at ki). at syempre si RAECHELLE TINIO.

random junk.

you know what, ricky hatton's name "hitman" fits him perfectly. 
hitman sounds about right.

he was hit an awful lot of times. 

he was like a face shouting, pacman, i'm hitman. hit me more, man! 

i seriously think that he spent more time sleeping on the floor than boxing. 

so who's next? mayweather? 
good luck to them. 

pacquiao's interviews are funny. more of his english this week. yey! hahaha! you want some vetwater manny? lawl. 
i'm so sure that on his homecoming, GMA will feature his breakfast meal and more stuff we don't really give a shit about. 

oh! and let's not forget his stage-mother. more of aling dionisia. ooooh gawd! spare me. no tv patrol for me this week. haha!
  

go pinoy.

nanalo si pacquiao!

hindi talaga ako fan ng kahit na anong sports.
pero dahil pinoy ako, binibigay ko sa'yo ang aking suporta.

mahangin si hatton, katulad ng ibang foreigner na pinatumba ni pacman. SOLID. knock-out sa 2nd round. 

hari ka talaga pacman!

medyo nag-aalala lang ako kasi panigurado dadagsa na naman commercial mo.

major earbleed na naman 'to!!!!

not to mention ung nanay mong si aling dionisia. medyo nakakapikon siya ha. 
isang linggong laman ka na naman ng balita!
pambihira.

hindi sulit ung pinalabas ng GMA. 2 rounds lang tapus na! hahaha.

buti pa sa ABS, napanood ko na naman si john lloyd. panalo! 
at oo, pinanood ko ang one more chance for the nth time. hahaha. 
solid JLC 'to! 

personality test.

i stumbled across this personality quiz.

in fairness. the result is so me. 

Your view on yourself:

You are down-to-earth and people like you because you are so straightforward. You are an efficient problem solver because you will listen to both sides of an argument before making a decision that usually appeals to both parties.

The type of girlfriend/boyfriend you are looking for:

You like serious, smart and determined people. You don't judge a book by its cover, so good-looking people aren't necessarily your style. This makes you an attractive person in many people's eyes.

Your readiness to commit to a relationship:

You are ready to commit as soon as you meet the right person. And you believe you will pretty much know as soon as you might that person.

The seriousness of your love:

You like to flirt and behave seductively. The opposite sex finds this very attractive, and that's why you'll always have admirers hanging off your arms. But how serious are you about choosing someone to be in a relationship with?

Your views on education

Education is very important in life. You want to study hard and learn as much as you can.

The right job for you:

You're a practical person and will choose a secure job with a steady income. Knowing what you like to do is important. Find a regular job doing just that and you'll be set for life.

How do you view success:

You are confident that you will be successful in your chosen career and nothing will stop you from trying.

What are you most afraid of:

You are concerned about your image and the way others see you. This means that you try very hard to be accepted by other people. It's time for you to believe in who you are, not what you wear.

Who is your true self:

You are full of energy and confidence. You are unpredictable, with moods changing as quickly as an ocean. You might occasionally be calm and still, but never for long.

i love marian rivera.


NOT!

nararamdaman ko na ang unti-unting pagbagsak ni marian rivera. *insert evil laugh here*. hindi na patok ang soap opera niya. siguro nagising na ang mga jologs na masa na nakasubaybay sa primetime shows ng GMA na wala talagang kwenta umarte ang biggest star ng nasabing estasyon. booohooo! manood na lang kayo ng tayong dalawa!  

bakit ako pikon na pikon kay marian rivera? ewan ko ba. maganda naman siya talaga. makinis pa. at higit sa lahat, maputi ang kili-kili. pero kasi siya ung tipo na mukhang walang lalim. puro mukha, wala namang ibubuga. itapat mo si angel locsin dun, tataob un eh. talo siya kay angel locsin! lagi pa niyang sinasabing Kabitenya ko sa tuwing mapapaaway siya at may papatulan siyang intriga o detraktor niya. matapang daw kasi siya. matapang daw ang mga kabitenyo, dahil siguro un kay emilio aguinaldo, diba dun nag wagayway ng bandila? o baka dahil sa agimat ng mga revilla? diba taga-cavite din sila? 

ang point ko lang, EH ANO NAMAN?! dahil kabitenya ka matapang ka na? BOOOHOOO! wala kang kwenta! pinapakita mo lang na wala ka talagang breeding. medyo slutty ka din no? inagaw mo pa si dingdong ke karylle. sa tingin ko talaga, kaya lang pinagpalit ni dingdong si karylle over you dahil mas maputi kili-kili mo ke karylle. other than that, wala na kong makitang ibang dahilan. oh well, magsama kayo. 

wala ka pa nga palang napapanalunan na acting award no? at ang dalawa mong pelikula major flap pa! ha! kawawa. bagay lang talaga sa'yo maging sirena eh. at huwag mo na din i-dare na kumanta. ung record mo platinum na! sa quiapo! ha! 

mabuti na lang tapos na ung palabas mo sa siyete. medyo matagal-tagal pa ulit bago ko makita ung pagmumukha mo at ung consistent mong pag-arte. consistent as in walang pagbabago mapa-sirena man siya o meksikanang loka-loka. sa totoo lang, wala pa kong napapanood na palabas mo. WALA AKONG BALAK. belat!

ayoko sa'yo, period.

past tense.


where do you go when you're lonely?
where do you go when you're blue?
where do you go when you're lonely? 
i'll follow you.
when the stars go blue.

walang konek ang kanta na yan sa entry na ito. lss lang talaga. 


nabasa ko ulit ung iilang entries ko sa blog ko sa myspace. tatlo lang pala ang nasulat ko dun. nakalimutan ko na i-update. nakakatuwa lang. it brought back memories. merong entry doon tungkol sa recollection nung 4th year high school. meron din dun tungkol sa isang kaibigan na hindi din nagtagal. 

medyo sayang ung tao na un. naging sobrang lapit namin sa isa't isa. sobrang komportable. ung iba binigyan ng kulay ang pagkakaibigan namin. pero sa pananaw ko, magkaibigan lang talaga kami. 

nagsimula ang lahat ng ma-busted siya ng best friend ko, 4th year kami nun. dahil magkasama kami sa choir at linggo-linggo kaming nagkikita, idagdag mo pa na batchmate namin ang ate niya, naging magkaibigan kami. naging malapit kami sa isa't isa. gabi-gabi ko siyang kausap sa telepono. pero wala talaga akong naramdaman dun sa batang un. hoy ha! isang taon lang agwat namin!

friends with benefits din kami nun. pero hindi kami kissing friends ha! ako lang ata may benefit sa kanya, actually. kasi binibigyan niya ko ng mga regalo (regularly!). at! kapag hindi ako nagtetext/nagrereply sa kanya o kaya kapag hindi ko sinasagot mga tawag niya, niloloadan pa niya ko. oha oha! tipong ganito linya niya, wala ka na bang load? bakit hindi ka nagrereply? ano ka ba! medyo pinag-aalala mo ko ah. medyo OA lang. ilang minuto pagkatapos nun, matatanggap ko na ung load ko. *insert evil laugh* medyo utu-uto ung batang un eh. lagi din akong nalilibre nun! 

ako? wala. wala akong kwenta. hindi ko alam bakit dikit ng dikit sakin un eh. wala naman siyang nahihita sakin. oh well.

hanggang isang araw, kinausap niya ko at sinabing may something na daw siyang nararamdaman. sabi ko, wag niyang pansinin, mawawala din un. hindi nawala. nagkamali ako. medyo marami pang kaguluhan ang nangyari pagkatapos nun. hindi ko alam kung niligawan niya ko kasi nga medyo malabo ung situwasyon kasi ang talagang nililigawan niya ung best friend ko. pero nung panahon na sinabihan na niya ko ng i love you, hindi na ata siya nanliligaw kay tonyang. ay ewan. malabo talaga ung kabanata na iyon. 

may mga nangyari pa. gumawa ako ng gulo at naghanap ng problema. basta, grounded ako ng isang buwan nun (bakasyon pa un! magkacollege na kami). kailangan pa kong puntahan nila tonyang sa bahay para makita ako at ayusin. medyo wasted talaga ko ng mga panahon na un. 

dumating na sa punto na kailangan mamili. actually, wala talgang option nun eh. iniwan ko siya sa ere, period. wala na talagang communication pagkatapos nun.

ilang taon na ang nakaraan. okay ako, mukha namang okay din siya. all's well for the both of us. un nga lang, hindi na kami friends. wala na.

sabi ko sa'yo eh. you can't go back to how things were, before the i love you. (refer to attraction entry). 
oh well. i learned my lesson. pero kung maglaro man ang tadhana at pagtagpuin kami ulit, who knows, maliit lang naman ang mundo at may pagka-joker ang taga-burda ng ating kapalaran, sakto lang sa'kin. 
pero hindi na siguro ko uulit na makipag-kaibigan sa kanya. hehehe. 


...nagbago na isip ko. please. wag na lang siguro kaming pagtagpuin ulit. haha.

soundtrip.

share share. indie/pop ang tema ng aking playlist ngayon. 
lounge-ish ang iba sa mga kanta. ang iba naman hindi. 
kung hindi niyo trip, bahala kayo.
 

ayoko kay taylor swift dahil maraming may gusto sa kanya at may pagka-mainstream ang musika niya. hindi ko lang siya trip. pasensya na sa mga avid fans niya. 
hindi kasali si lenka sa playlist na ito dahil medyo marami na din ang nakakakilala sa kanya at nakasali na siya sa isa kong playlist na pinost ko dati.
ang iba dito marahil pamilyar na sa inyo katulad ni norah jones.

eto ung listahan ng mga kanta na gusto kong ibahagi sa inyo.
  1. When the stars go blue by Bethany Joy Lenz
  2. Baby love by Kate Nash
  3. Smile by Lily Allen
  4. Crazy girls by Bethany Joy Lenz
  5. All downhill from hill by Amy Kuney
  6. Only fooling myself by Kate Voegele
  7. Don't know why by Norah Jones
  8. Say it ain't so by Mozella
  9. Sunrise by Norah Jones
  10. You wanted it by Mozella
wala lang. trip ko lang maglista. bakit ba?!
pagpasensyahan niyo na kung hindi nyo trip ang tumutugtog. eto gusto ko ngayon eh.

pag nagsawa na ko sa indie/pop chicks, rock and roll ang kasunod medyo nakahanda na ung playlist para dun. hehe. 

shoutout para kay shierra, salamat sa recommendations dear. andito na sila! haha. XD 

chill muna.
good vibes. good vibes.

peace, love & good music,
C

peony.


mabalik ako sa paborito kong bulaklak. mayroon kasing naka-save na mga wallpaper dito sa laptop ko. merong kategorya doon na nature. doon ko nakadaupang-palad ang bulaklak na ito.

peony ang tawag sa kanya. napag-alaman ko na tumutubo lang siya sa ilang bahagi asya, europa at itaas na bahagi ng america. malalaki ang bulaklak ng halaman na ito. karaniwan din itong mabango. ito rin nga pala ang national emblem ng tsina. saklaw ng bulaklak na ito ang mga kulay mula pula hanggang puti hanggang dilaw. 

marami pang klase ng peony (o paeony). pinaka pumukaw ng atensyon ko ay ung Paeonia officinalis (European peony), eto ung pinakakaraniwang uri, at Paeonia lactiflora cultivar (Chinese peony). may mga uri rin ng chinese peony, gusto ko ung mons. jules elie at barrington bride.

gusto ko ung itsura niya kasi maraming petals. hindi pa ko nakakakita ng peony dito sa pilipinas. at pupusta ako na ngayon mo lang din siya narinig. medyo komplikado akong tao. kaya dapat komplikado din ang bulaklak na paborito ko. ano daw? 
okay din 'tong bulaklak na ito para sa he loves me, he loves me not. exciting. ikaw na mismo ang magsasawa at hihinto. andaming talutot niyang peony. magsawa ka!

gusto kong makakita ng peony. ung nakatanim ha. ung nasa lupa at nasa magandang paso.
ewan ko ba kung anong meron sa mga paso at natutuwa ako sa kanila. mahirap gumawa ng paso ha (ung yari sa clay). ibang klaseng craft ang pottery. at ibang klaseng talento ang isinasalin sa bawat paso na ginagawa. wala lang. kaya mas mabibigyang-halaga ko kung nakalagay sa paso. haha.

ayan ang gusto kong bulaklak. dahil mahirap hanapin ang peony, sumunod sa kanya ang lilium (o lily). 
huwag mong ipipilit sa akin ang rose, tulips, gerbera, anthurium at kung anu-ano pa. 
peony lang. o kaya lilium.
end of conversation. 

green thumb.

naisip ko lang, sobrang hindi ako ung tipikal na babae. hindi ko alam kung bakit pero hindi lang talaga ako mahilig sa mga bulaklak. noong uso pa ang mga slumbook, meron laging tanong na what's your favorite flower. wala akong maisagot. kasi nga wala naman talaga akong paboritong bulaklak. 

dati nga, nabanggit sakin ni tonyang na paborito niya ang gerbera. sabi ko, aaah. anu un? sagot niya, bulaklak un bess! ano ka ba. ano namang malay ko sa gerbera diba? akala ko nga gerber. ung pagkain ng baby. nalaman ko na red daisy pala ang gerbera. sabi ko sa'yo eh. hindi talaga ako mahilig sa halaman.

wala akong green thumb. hindi ko pa nasusubukang bumuhay ng halaman. dati kapag may project kami sa science na magtatanim ng sibuyas, lola ko lagi ang gumagawa eh. wala talaga akong alam sa pagtatanim, period. 

naalala ko, noong minsan kinailangan umalis ng lola ko para magbakasyon sa probinsya ng ilang araw iniwan niya sakin ung mga halaman niya para diligan. grabe lang. pag balik niya, lanta na sila. dinidiligan ko naman. kinakausap ko pa nga eh. tipong, plants, huwag kayong mamamatay. santan, pakitaan mo nga ako ng bulaklak mo. mamulaklak na kayo plants. mga wala talagang pakisama. pambihira. 


cheesy balls #1.

sasagarin ko na ang pag-iinarteng sinimulan ko kagabi.
kung ikaw ung iniintay ko, basahin mo 'to. 


hindi ako high maintenance. hindi ako mahilig sa mamahaling damit, sapatos, bag, alahas. hindi ako brand conscious. hindi din ako nagmemake-up, depende kung may okasyon. ayoko kasi ng mga nilalagay na kolorete sa mukha. ako ung tipong ligo, bihis, hilamos, toothbrush, tapos. medyo hindi din kasi ako komportable sa cheek tint at lip gloss.  

mapapakain mo din ako sa kahit na anong kainan. minsan nga lang nag-iinarte ako lalo na sa maduduming lugar. syempre takot din naman ako sa hepatitis. pero kumakain talaga ako ng mga pagkaing-kalye.

medyo napipikon din ako sa mga teddy bears. ayokong-ayokong nakakatanggap nun dahil kumakain lang sila ng alikabok sa bahay namin. sayang na sa espasyo, madumi pa. hindi ako natutuwa sa kanila.  

imbis na mga stuffed toys ang ibigay mo sa'kin bigyan mo na lang ako ng libro o kaya flats. size 6 ako. hindi ako maarte sa itsura pagdating sa flats kahit ano papatusin ko. dahil mahilig akong magbasa siguradong matutuwa ako kung bibigyan mo ko ng libro. 

hindi din ako natutuwa sa mga bouquet. nalalanta kasi ang mga bulaklak. sayang lang. ilang araw mo lang pagmamasdan ung halaman tapus wala na. unti-unting mamamatay at mawawalan ng ganda.

kaya huwag mo kong bibigyan ng halaman lalo na ung may bonggang bonggang pagkaka-ayos kung ayaw mong makakain ng pumpon ng bulaklak. hindi ko trip yan. masasayang ang effort mo dahil hindi din naman ikasasaya ng loob ko yan. sayang lang ung bulaklak. sayang lang ung pera mo.

pero kung hindi ka makatiis at gusto mo talaga kong bigyan ng halaman dahil isa kang tradisyonal na lalaki at dahil ang tradisyonal na lalaki ay nagbibigay ng bulaklak, sige. pagbibigyan kita. bigyan mo ko ng halaman. ung nasa paso. seryoso ako. gusto ko ung nasa magandang paso.

bakit ko sinasabi 'to? 
para alam mo kung ano ung ikatutuwa ko. 
para siguradong papahalagahan ko ung ibibigay mo.
para hindi masayang ung pagususumikap mo na mapasaya ko. 

pero sa totoo lang. kahit naman walang regalo sakto lang sa'kin eh...
...ayoko nang sundan ung linya na un. medyo nasusuka na ko sa susunod kong sasabihin.

kung gusto mo talagang magregalo, huwag lang talaga ang mga sumusunod:
  • bouquet of flowers
  • stuffed toys
  • keychain! (oh gawd! don't. never.)
  • candles. (not this one too.)
yang mga bagay na yan talaga ung ayaw ko e. wala pa kong maisip na iba. 
o pano? alam mo na?
ayusin mo buhay mo ha.


grabe lang.
sana mabasa mo 'to.
whoever you are.